Tuesday, September 20, 2016

CONFRONT THE WITNESSES OR RESIGN, DE LIMA!

Sept. 21, 2016

CONFRONT the witnesses against you in the House of Representatives hearing or RESIGN, Leila de Lima,  from the Senate.

HUWAG MONG BINGIHIN ang Sambayanan sa WALANG TIGIL, mong kakatawag na mga sinungaling sa mga testigo o kakainsulto sa House, nang WALA  ka namang DETALYADONG BASEHAN o depensa na mailabas.  Tulad ng isinulat ko kahapon, at hanggang sa gawin koi to, may mga detalye na ibinibigay ang mga testigo – mga PANGALAN, HALAGA, BUWAN O TAON, KASUNDUAN  at iba pa.

Ikaw, WALA PANG MAILABAS kahit isa para patunayan mong wala kang natanggap na suhol mula sa mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.  Inimbitahan ka sa hearing para marrinig ang panig mo at maharap mo ang mga testigo pero IKAW ang hindi dumalo. WALANG PUMIPIGIL sa iyo na maglabas ng anumang ebidensiya, o detalyadong statement na magpapakitang nagsisinungaling ang mga testigo.

Tapos ngayon, daig mo pa ang batang musmos na inagwan ng candy sa karereklamo, sa kadadaing na masyado ka nang inaapi at kung ano ano pa. HINDI IKAW ANG PANGINOONG DIYOS, De Lima, na salita mo lamang ay sapat na at dapat nang paniwalaan ng sambayanan. Hindi kami KASING-TANGA ng akala mo.

Sabi nga sa Ingles, PUT UP OR SHUT UP! 30





No comments:

Post a Comment