Sunday, September 18, 2016

BAKIT WALANG ATAKE KAY PNOY?

Sept. 16, 2016

Sa mga anti-corruption at human rights champions kuno’ BAKIT HIINDI NINYO TINITIRA SI PNOY at ang gobyerno niya? Bakir sina Presidente Digong Duterte at mga Marcos lamang? 

Daig pa nnyo ang PUWET NG INAHING MANOK, o sirang CD, ,sa NON-STOP NA REKLAMO AT BATIKOS ninyo Sa mga namamatay na mga PUSHER AT DRUG TRAFFICKER  sa anti-drug war ni Digong, at sa Martial Law ni datrng Pangulo Ferdinand Marcos (FM). DYARYO, TV AT RADYO, kung sinu-sino sa inyo ang nakikita o nadidinig na umaatake. Paulit-ulit, as in. Hindi lang local kundi pati foreign media. Pati mga BATANG MAGAARAL, GINAGAMIT NA NINYO, tulad ng pamimigay ng ilan sa inyo ng libro tungkol sa Martial Law sa mga ESTUDYANTE ng isang eskuwela sa Quezon City. Pero KAHIT ISANG SALITA, WALA kayong atake tungkol sa mga KAWALANGHIYAAN o KWESTYONABLENG PANGYAYARI noong gobyerno ni PNoy.

Binabatikos ninyo si Digong dahil sa humigit-kumulang na 3,000 namamatay na sa anti-drug war niya. Pero BULAG KAYO AT PIPI  sa halos 700,000 adik at pusher na sumuko na, at sa mahigit 1,000naarestong pusher  o trafficker o adik.  BULAG AT PIPI din kayo kapag ang BILYUN-BILYONG donasyon sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda” na HINDI MALAMAN  kung saan napunta na ang usapan. BULAG, PIPI AT BINGI KAYO sa pagkamatay ng halos 7,000 KATAO, mahigit DOBLE sa mga namatay sa anti-drug war, kay Yolanda.’ at sa USAD-PAGONG NA PAGGAWA ng pabahayna PINANGAKO sa milyun-milyong nawalan o nasiraan ng tahanan. Sa kabila ng hndi bababa sa P25 bilyong pondo, at mula pa lamang iyon sa gobyerno. NI HA, NI HO, WALA KAYONG SINASABI.

Ganyan din kayo sa HALOS HINDI PAGUSAD ng Mamasapano Massacre ng SAF 44 hanggang sa matapos ang PNoyu Administratio, ang halos PAGKABULOK na ng mga gamit at pasllidad ng MRT-3 sa kabila ng BILYUN-BILYONG kita nito, at ang pagtataas ng pasahe ng halos 50 porsiyento isang taon humigit-kumulang bago matapos ang gobyerno ni PNoy.  Huwag din nating kalimutan ang daan-ddang milyon o bilyon na hindi maipaliwanag sa conditional cash transfer (CCT), at ang PAGTAAS pa tin  ng budget nito taon-taon

Marami pang usapin noong PNoy Administration. Pero BULAG, PIPI AT BINGI KAYO sa mga ito.  NI isang  salita ng batikos, WALA KAYO. Kujlang na lang, sabihini ninyong PERPEKTO AT MALA-SANTO ang gobyerno ni PNoy. Kaya alin sa dalawa: NAGKAKAPERA KAYO SA PAGBUBULAG-BULAGAN o talagang TAGOS SA BUTO ANG KAIPOKRITUNA NINYO, O PAREHO? 

At tulad ng ilampung ulit ko nang sinabi, HINDI AKO EMPLEYADO NI DIGONG o ng KAHIT NA SINO sa mga  Marcos. Pwedeng iverify ninuman, kaninuman, saanman at kailanman.30, 

No comments:

Post a Comment