Sept. 5, 2016
HUWAG MATAKOT ang sinuman sa kumakalat na baka
paraan lamang ng gobyerno ang Davao City bombing para magkaroon ng dahilan na
magdeklara si Presidente Digong ng Martial Law. PANINIRA lamang iyun, Gusto na namang
GAWING TANGA ang sambayanan.
Una:
Di hamak na MAS MARAMI ang naniniwala at nagtitiwala kay Digong kesa
hindi. Kung tama ako, ayon sa surveys, ay nasa 80 o 90 percent
humigit-kumulang. Kaya alam ni Digong na HINDI NA NIYA KAILANGAN ang anuman
para mas makontrol ang bansa, at ang sambayanan. Hindi estupido ang Pangulo na
sisirain o ilalagay niya sa alanganin ang popularidad niya at ang tiwala ng
sambayanan dahil lamang sa isang bagay na hindi naman niya kailangan gawin.
Pangalawa: Kahit umabot sa puntong magdeklara
ng Martial Law si Digong, HINDI IBIG SABIHIN NA AGAD MAIPAPATUPAD ITO.
Kailangan munang pumayag ang 2/3 ng Senado at ng House of Representatives May
proseso pang susundin. Kung hindi makukuha ang 2/3 ay HINDI maipapatupad ang Martial
Law.
Panghuli: PNP na mismo ang nagsabi na mulla
nang ilunsad ang giyera laban sa illegal na droga, BUMABA ANG CRIME RATE.
Maliban sa walang tigil na daldal sa national media ng mga kontra sa pagpatay
sa mga drug pusher at trafficker, at sa libing ni dating Pangulong Ferdfnand
Marcos sa Libingan ng mga Bayani, HINDI NAGKAKAGULO sa buong bansa. WALANG
SUNUD-SUNOD at madugong mga kilos-protesta. At higit sa lahat, HINDI SUKATAN ng
pambansang katahimikan ang Davao City bombing. Kaya WALANG DAHILAN para
mag-martial law.
Kaya HUWAG PALOKO sa mga MANLOLOKO. Ang
TANGING PAKAY nila ay para masira at kinalaunan ay mawala sa puwesto si Digong,
upang sila o ang mga amo nila ang pumalit. 30
No comments:
Post a Comment