Thursday, September 29, 2016

KUNG AKO SI JAYBEE SEBASTIAN

Sept. 29, 2016
….
Kung ako si Jaybee Sebastian, magbibigay na ako ng sinumpaang salaysay o  ante  mortem statement gayon pa lamang tungkol sa lahat ng nalalaman ko sa  bentahan ng droga sa loob at labas ng New Bilibid Prison (NBP). Para MAKASIGURO AKO na MALALAMAN ng Sambayanan ang katotohanan kung sakaling may mangyari sa akin.

Hindi naman kailangan o obligado si Jaybee na isiwalat din agad ang magiging laman ng ante mortem statement niya kung ayaw niya pa. Lalo pa at nagsalita na siyang kay Pangulong Digong Duterte lamang siya magtatapat. Maaari naman niyang ipagkatiwala muna ang statement sa kaniyang abugado, o sinuman ang pinagkakatiwalaan niya.

Ang IMPORTANTE ay HUWAG MANATILING LIHIM HABAMBUHAY ang mga nalalaman niya  kung sakali, at HUWAG naman sanang ipahintulot ng Diyos, na  MAPATAY SIYANG BIGLA.  Alam ni Jaybee na marami siyang masasagasaan at baka bigl pang makulong sa mga nalalaman niya. At ganyang nagdeklara na siya na handa na siyang magtapat pero kay Digong lamang, lalo nang HINDI TITIGIL ang mga delikado na mapatay siya agad upang hindi na makapagsalita.

Kapag HINDI MABUBULGAR ang mga nalalaman ni Jaybee, hindi mabilang na buhay pa ang masisira dahil sa illegal na droga. Diyos na lamang ang nakakaalam kung ilang libong tao pa ang mapapatay, mapagnanakawan, mga babaeing magagahasa at iba pang krimen ng mga adik o drug trafficker. Lalo nang LALALA ang krisis sa droga.

Maisip sana ni Jaybee lahat ito, lalo na para sa kaniyang  mga  mahal sa buhay. 30


No comments:

Post a Comment