Sept. 14, 2016!
Tiyak na NAGWAWALA NGAYON SA GALIT ang mga
nagbabalak mapatalsik sa puwesto si President Digong Duterte sa anumang paraan.
Nagwawala at NAINSULTO.
Sa kabila ng WALANG TIGIL na atake kay Digong
sa TV at dyaryo sa BAWAT KILOS NIYA AT
PAHAYAG, at sa GARAPALAN AT PILIT NA PAGPAPALAKI O PAGPAPAHABA sa media ng mga ito
kahit na niliwanag na ng mga kinauukulan, HINDI pa rin sumisigaw ang higit na
nakararami sa Sambayanan na dapat nang palitan si Digong. WALA pa ring
bumubuhos na suporta sa anumang kilos-protesta.
Tulad halimbawa nang NON-STOP na atake ng
KUNG SINU-SINO na sa Oposisyon sa anti-illegal drug war ni Digong. Kahit
mahigit 2,000 na ang namamatay, at medyo may kaduda-duda sa ilang nangyari,
HINDI pa rin napipikon ang Sambayanan kay Digong at pinapaalis ito.
Nariyan din ang ilang araw na sunud-sunod na
paglabas sa media nang pagmumura kuno ni DIgong kay US President Barack Obama. Hindi
nagalit si Obama kay Digong, at nilinaw pa nitong hindi niya pinersonal ang
nabitiwang salita ng Presidnete natin. At hindi rin isinumpa o nagalit ang
higit na nakararami sa tumabayan.
Isama na rin natin ngayon ang inaaraw-araw
din sa media na pagbibigay-kuno ni Digong ng ‘go-signal’ kay Indonesian President
Widodo na bitayin na si Mary Jane Veloso. Nagpaliwanag na si Digong pero
tuluy-tuloy pa rin ang isyu sa ilang media companies. At WALA pa ring
nagwawalang nakararami laban sa Pangulo. At siyempre, yung kumakalat na
balitang may pangako daw na P500 para sa
sinumang sasama sa isang planong ‘people power’ laban kay Digong na inoorganisa
diumano ng isang pulitiko.
HINDI PA RIN KAYO TITIGIL? WALA NA BA KAYO
TALAGANG KAHIHIYAN? 30
No comments:
Post a Comment