Sept. 25, 2016
Ayaw din lang tumigil ng mga kontra sa drug war ng gobyernong Duterte, tingnan ninyo ang KAPLASTIKAN O KAIPOKRITUHAN at pailalim na PAMUMULITIKA ng mga ito:
Human rights champion kuno sila. Buhay ang
pinaglalaban. Pero BUHAY LAMANG ng mga napatay nang drug trafficker at pusher
ang PINAGLALABAN NILA, ang gusto nilang
maprotektahan. Dahil NI ISANG SALITA ng pakikiramay o simpatiya, WALA SILANG SINASABI
sa 12 o mahigit na yatang pulis na NAPATAY na ng mga pusher at drug trafficke. As in
WALA. Itama ako ninuman kung mali ako. Sigurihin lang na may masasabi kayong
detalye. WALA kahit isa sa mga kontra sa giyera sa dorga, KASAMA NA ANG MGA
PARI, na nabalitang nagpunta sa burol at/o nagalay ng dasal o misa sa sinumang
pulis na PINATAY ng mga pusher o drug trafficker. Kahit statement o pahayag man
lamang sa media ng pakikiramay at pagkilala sa klabayanihan ng mga napatay nang
mga pulis. WALA ANG KAHIT NA SINO SA INYO. Gayung KASAMA KAYO at ang mga
pamilya o mahal ninyo sa buhay sa mga tinangkang ILIGTAS ng mga ito mula sa
KADEMNONYUHANG DULOT ng illegal na droga. Na PRODUKTO O PANINDA ng mga
DEMONYONG IPINAGWAWALA NINYO kapag napapatay, kahit na nanlaban sa mga
aarestong pulis.
Human rights champion kayo kuno. Pero sa mga pusher
at drug trafficker LANG KAYO NAGIINGAY!
Bakit pamumulitika? Marami sa inyo ay kilalang mga kakampi ng
nakaraang PNoy government. Pero halos KAYO-KAYO lamang ang oatuloy sa walang
tigil ninyong pagkontra sa anti-drug war. At nang humingi na si President
Digong ng extension sa giyera, AGAD kayong nagiyakan at meron pang mga nagsabing magresign na lamang si Digong kundi
niya kaya. Kapag nagresign o biglang mawala s Digong sa puwesto sa anumang
kadahilanan, siyempre si Leni Robredo papalit dahil siya ang BISE-PRESIDENTE
KUNO! BULAG, PIPI AT BINGI KAYO sa mga
buting naidulot na ng giyera kontra droga, tulad ng pagbaba na crime rate at
ang pagsuko ng MAHIGIT 700,000 na drug user at pusher, na kahit kayo ay HINDI MAIKALIA
Para sa inyo, kasama na ang mga pari, yung MAKAKASIRA lamang kay Digong ang
dapat maring at mabasa ng sambayanan.
May KAHIHIYAN pa kaya kayo? SINU-SINO kaya
ang bayaran sa inyo?30
No comments:
Post a Comment