Friday, September 16, 2016

PATI SI TRILLANES, DAPAT MAGPALIWANAG!

Sept. 17, 2016

Para matapos na agad ang usapan tungkol sa mga kasinungalingan ni Edgar Matobato, dapat ay MAGPALIWANAG DIN si Sen. Antonio Trillanes. Para malaman natin kung karapat-dapat pa siyang paniwalaan o hindi na.

Dating opisyal sa militar si Trillanes. Tulad ni Leila de Lima na isa namang abugado, EKSPERTO SIYA sa pagiimbestiga, sa pagtuklas ng katotohanan. Aminado siyang tunulong siya sa seguridad ni Matobato bago ito tumestigo sa Senado. Samakatuwid, nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap ito ng masinsinan. May mga ulat nga na nakita siyang kasabay na dumating ni Matobato sa Senado.

Kaya’t PAANO NAKALUSOT kay Trillanes ang mga kasinungalingan ni Matobato? IMPOSIBLENG HINDI ALAM O NAISIP ni Trillanes na dapat munang alamin ang katotohanan sa mga sasabihin ni Matobato bago ito tumestigo. KInwestiyon ba niya itong mabutri? Kung oo ay ano ang naging basehan niya na nagsasabi ito ng tutoo? Kung sasabihn naman ni Trillanes na hindi na niya inimbestigahan si Matobato, MAS LALO siyang fapat magpaliwanag kung bakit.

Isa pa, mismong Armed Forces spokesman na ang nagsabi na WALA SILANG RECORD na tutoong naging miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU) si Matobato tulad ng sinabi nito. Kaya’t NAG-BACKGROUND CHECK BA sI Trillanes. Hindi ako pulis o militar pero mangangahas akong sabihin na BASIC STEP din ang pag-background check sa isang testigo kuno bago mo ito paniwalaan o hindi.  Kung sasabihin ni Trillanes hindi rin siya nag-background check may Matobato, ANO ang naging basehan niya para paniwalaan ang mga salita nito na tulad ng nasa Bibliya?  Kung sasabihin niyang dahil sa sinumang nagrekomenda kay Matobato sa kaniya, dapat idetalye ni Trillanes ang pagkatao nito upang malaman na sambayanan kung kapani-paniwala ba ito in the first place.

PALIWANAG at KATOTOHANAN ang kailangan ng Sambayanan. HINDI SINUNGALING AT KASINUNGALINGAN.   Tama na ang daldal sa media. Magkaalaman na.30





No comments:

Post a Comment