Monday, September 19, 2016

DELIKADO PROTESTA NI BONGBONG VS ROBREDO

Sept. 20, 2016

!Ayoko mang isipin, mukhang DELIKADO ang protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo.

Bakit? Kahit na iniutos na ng Korte Suprema na protektahan at huwag galawin ang mga servers at iba pang ginamit noong nakaraang eleksiyon, himingi pa rin ng permiso ang Comelec para masimulan na nilang baklasin ang mga servers. Wala pang nababalitang sagot ang Korte Suprema. Pero WALA PA RING EBIDENSIYA NA HNDI ITINULOY ng Comelec ang baklasan.

Kung itinutuloy ng Comelec ang baklasan, lahat ng data na nilalaman ng mga server at iba pang gamit noong halalan ay mawawala. Ang depensa ng Comelec ay gagawan naman daw ng back-up files ang mga data. Pero HUWAG NATING KALIMUTAN, MGA KABABAYAN:

PInakialaman ng Smartmatic ng WALANG PAALAM ang script ng transparency server nong gabi ng eleksiyon. Makaraan ang ilang oras, milagrosong naglaho ang halos isang milyong lamang ni Bongbong kay Leni. Agad na hiniling ni Bongbong sa Comelec na pansamantalang itigil ang bilangan at ipaeksamin ang script sa mga eksperto mulasa pribadong sektor ngunit HNDI SIYA PINANSIN ng Comelec, Hanggang ngayon, AYAW IPAEKSAMIN NG COMELEC ang script.  Isa pa, INAMIN ng Smartmatic na GUMAMIT SILA NG IBA PANG SERVERS na kahit sa Comelec, HINDI NILA IPINAALAM. WALA pa rin silang balidong dahilanna binibigay para dito.

Sa madaling salta, WALANG ANUMANG KASIGURUHAN ang sambayanan na yung TUTOO AT ORIGINAL na mga naging boto nina  Bongbong at Leni ang mga data na nasa mga server at iba pang gamit.

Kung talagang walang naging dayaan, WALANG DAHILAN para hindi maipakita agad ng Comelec ang mga server at gamit na pinapo-protektahan ng Korte Suprema, at ipaeksamin ang mga ito kung hindi nila pinakialaman o dinoktor ang nilalaman. Lalo na ang script ng transparency server. KUNG TALAGANG WALANG NAGING DAYAAN! 30





No comments:

Post a Comment