Sunday, September 4, 2016

COMMISSION ON CRIMINALS’ RIGHTS!

Sept. 3, 2016

Hanggang sa sinulat ko ito WALA akong nabasa na anumang reaksyon mula sa Commission on Human Rights (CHR) –pakikiramay man sa mga biktima o pagkondena sa mga may kagagawan -- matapos ang pambobomba sa isang night market sa Davao City kagabi. Umabot na sa 14 ang namatay at 71 ang sugatan pero KAHIT ISANG SALITA, WALA ANG CHR.
Pero sa mga namatay na drug pusher o trafficker sa drug war ng gobyerno, o mga rebeldeng komunista o Muslim, AGAD AT TULUY-TULOY ANG DALDAL NINYO. Imbestigasyon agad kayo, padala agad ng mga imbestigador. MAY CONCLUSION agad kayo. Extra-judicial killing agad Abusado agad ang pulis, sundalo o sinumang may kagagawan. Pero iyung pambobomba sa Davao City kagabi, MAS TAHIMIK PA KAYO SA SEMENTERYO PAG HATINGGABI. Kahit na ,may mga ulat nang inamin na ng Abu Sayyaf na sila ang may kagagawan.
Hindi na Commission on Human Rights ang dapat itawag sa inyo. Dapat COMMISSION ON CRIMINALS’ RIGHTS na.
HINDI LANG KRIMINAL O REBELDE ang may human rights, o karapatang pantao. LAHAT NG PILIPINO, MAYROON! At sa ordinaryo at INOSENTENG mga Pilipino NANGGAGALING ang mga SWELDO AT BENEPISYO NINYO, lalo na ang GINAGASTOIS ng mga opisina ninyo. HINDI SA MGA DRUG PUSHER O TRAFFICKER, o mga rebelde at iba pang kriminal.
Tapos, gusto pa ninyo ng halos P500 milyong budget? Sa mga drug pusher o trafficker, o rebelde at iba pang criminal kayo manghingi, pati na ang mga sweldo ninyo at oanggastos ng oipisina ninyo. 30

No comments:

Post a Comment