Thursday, September 29, 2016

DESPITE DUTERTE REJECTION, JAYBEE SHOULD STILL TALK!

Sept. 30, 2016

Even though President Digong Duterte has refused to talk to him, Jaybee Sebastian should still start revealing what he knows about the illegal drug trade inside and outside the New Bilibid Prison )NBP) in Muntinlupa.

While it’s correct for him to assume that would be dangerous for him if he talks, HIS LIFE IS ALREADY IN VERY SERIOUS DANGER. As shown by Wednesday’s rumble, somebody already tried to kill him even though HE HAS NOT SAID ANYTHING.

Kapag HINDI MABUBULGAR ang mga nalalaman ni Jaybee, MAS MARAMI pa ang maaaring ipapatay ng sinumang nasa likod ng pagtatangka sa kaniyang buhay.  Dahil hind niya nga ito kikilalanin. Hindi mabilang na buhay pa ang masisira dahil sa illegal na droga. Diyos na lamang ang nakakaalam kung ilang libong tao pa ang mapapatay, mapagnanakawan, mga babaeing magagahasa at iba pang mabibiktima ng mga adik o drug trafficker.  DRUG LORDS at traffickers LAMANG ANG MANANALO. BUONG SAMBAYANAN ang matatalo.

Hindi naman kailangan o obligado si Jaybee na isiwalat din agad ang magiging laman ng ante mortem statement niya. Maaari naman niyang ipagkatiwala muna ang statement sa kaniyang abugado, o sinuman ang pinagkakatiwalaan niya. Ang IMPORTANTE ay HUWAG MANATILING LIHIM HABAMBUHAY ang mga nalalaman niya, PARA MAARESTO NA ang dapat arestuhin at matigil na o maparalisa ng matagalan ang bentahan ng ilegal na droga  saanman.

Maisip sana ni Jaybee ang lahat ng ito, Lalo na para sa kaniyang  mga  mahal sa buhay. 30


No comments:

Post a Comment