Sunday, September 11, 2016

KUNG TUTOONG TAO KA, LENI…

Sept. 11, 2016

Noong nagsisimula pa lamang kwestiyunin ang kaniyang pagkakapanalo bilang bise-presidente, inihayag ni Leni Robredo na ayaw niya rin ang dayaan at gusto niya ring manaig ang katotohanan. Pero hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na sagot ang Comelec sa mga kaduda-dudang napuna ni Bongbong Marcos noong bilangan ng mga boto. Lalo na ang PATULOY na PAGBALE-WALA sa hiling ni Bongbong na ipakita at ipaeksamin ang HINDI AWTORISADONG pagbabago sa script ng transparency server noong gabi ng Election Day.  

Kaya kung TUTOO KANG TAO Leni, kung SINCERE ka sa sinabi mo:

TUTULAN mo, harangin mo, ang recoomendation ng mga imbestigador ng Comelec na ipawalang-sala ang Smartmatic sa hindi awtorisado nilang pakikialam sa script ng transparency server.  Personal mong ideklara sa publiko, at sa media, na HINDI DAPAT IABSWELTO ang  Smartmatic hanggang HINDI NAPAPATUNAYAN ng mnga ekspertto mula sa pribadong sektor na WALANG NAGING RESULTANG PANDARAYA  na pabor sa iyo ang pakikialam sa script.

Ikaw na mismo ang manawagan sa Comelec na ilabas at iiaeksamin na AGAD, SA LALONG MADALING PANAHOIN, ang pagbabagong ginawa  sa transparency server script. Kung rakagang sigurado ka na malinis ang pagkakapanallomo, WALANG DAHILAN para umayaw ka rito. Ito ang pinakamabilis na paraan para patunayan mong walang naging dayaan para sa iyo. Ipanawagan mo rin sa media na mga taga-pribadong sektor ang dapat mageksamin sa pagbabago at HINDI DAPAT HUMADLANG sa anumang paraan ang Comelec. Para magkaalaman na ng KATOTOHANAN. At para matapos na ang alam na alam mong pagdududa ng HIGIT NA NAKARARAMI sa panalo mo at pagbatikos sa iyo sa social media.

Panghuli, MANGAKO KA SA TAUMBAYAN sa pamamagitan ng media na kung sakaling mapatunayang may naging dayaan para lamang manalo ka,, AGAD-AGAD KANG MAGBIBITIW sa puwesto at HINDI NA MAGHAHABOL. Tapusin na ang kontrobersya sa pagkakapanalo mo, Ms. Robredo. Sa maniwala ka at  hindi, para na rin tio sa reputasyon mo. 30


No comments:

Post a Comment