Monday, September 19, 2016

MAGISIP-ISIP KA NA, MATOBATO!

Sept. 19, 2016

Sa pagkakatanggal kay Leila de Lima ngayon bilang chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights, MAGISIP-ISIP ka na Edgar Matobato.! PAGARALAN mong mabuting-mabuti kung tutuloy ka pa sa pagtestigo sa Senado, o kung MAGTATAPAT ka na lang kung PAANO mo natutunan ang mga KASINUNGALINGANG PINAGSASABI MO noong unang hearing at magso-sorry sa Sambayanan.

Para sa kaalaman mo, Edgar, dahil HINDI NA SI DE LIMA ang chairperson, HINDI ka na niya maaalalayan tulad noong una. Hindi na niya makokontrol kung hanggang saan lamang niya gusto ang sinumang magtatanong sa iyo. HINDI na niya MAIBIBIGAY sa iyo ang sinabi na niya sa media na proteksiyon mismo ng committee. Dahil sa buong committee ang dineklarang bakante ng Senado, WALANG KASEGURUHAN kung magiging miyembro pa rin nito si De Lima sa bubuuing bago. Kaya’t WALA kang anumang kaseguruhan na maasahan mula doon.

Kapag tumestigo ka pa rin at NAGSINUNGALING MULI, HINDI KA NAKATITIYAK na mapipigilan ni De Lima kapag kinasuhan at PINAKULONG KA ng magiging BAGONG CHAIRMAN ng committee. Kapag nangyari iyon, PAANO KA NA, at ang PAMILYA MO? Anong GARANTYA mayroon ka na may magibibgay sa iyo ng abugado (bukod sa Public Attorney’s Office) at ng panggastos sa pamilya mo?


Chairman ng committee ang boss, ang masusunod Edgar. Hindi ang miyembro, lalo na ang hindi miyembro, MAGISIP-ISIP ka. Pagkatao at reputasyon MO LAMANG ang MASISRA, hindi ang sa iba. Sarili mong kapakanan ang isipin mo, hindi ang sa iba.  Baka maiwan kang NAKABITIN SA ERE bandang huli. 30

2 comments:

  1. Una, bakit kailangan mong takutin si Matobato? Matagal nang takot yun! Pangalawa, sino ba ang kumukontra sa pagsugpo ng droga para sayo, ang mga bumabatikos sa EXTRA JUDICIAL KILLINGS? Bago mo pilit pinipilit ang katotohanan na ang KINUKONDENA ng buong mundo ay ang EXTRA JUDICIAL KILLINGS na ikinakabit mo sa pagtutol sa war on drugs?

    ReplyDelete
    Replies
    1. sino ba may sabing tinatakot ko si matobato? pinapaalalhana ko lang pangalawa, sinabi ko bang tutolako sa war on drugs? kumpormeng kumporme ako..

      Delete