Sept. 4, 2016
Ayoko na sanang magalit pero iho de puta, kahit
na hindi ako military o intelligence expert, may nakikita akong destabilization
plot laban sa Duterte government sa likod ng night market bombing sa Davao
City. At bago dumaldal ang mga panatiko ng nakaraang administrasyon, isipin
ninyo ito:
May kumakalat sa Facebook ngayon na post kung
saan sinasabi ng kilalang broadcaster na si Randy David na kontra sa paniniwala
ng karamihan, hindi nakuha ni Presidente Digong ang majority vote nang manalo siya
noong eleksiyon. Umabot lamang daw sa 39 percent ng total votes para sa
presidentye ang nakuha ni I Digong.
Tama man o mali ang kuwenta ni David, ANO ANG
PUNYETANG KONEKSYON nito sa Davao bombing na siyang piunaguusapan at
sinusubaybayan ng buong bansa ngayon (maliban na lamang sa mga demonyong may
kagagwan ng pambobomba at mga boss nila)? Umabot na sa 14 NA INOSENTENG SIBILYAN
ang naiulat nbanamatay at 71 ang sugatan, pulitika pa rin ang kelechehan na iipinost.
Pulitika na imbes na makatulong kay Digong para MALUTAS agad ang pambobomba ay
MAKAKASAMA pa sa imahe ng Pangulo. Kung
hindi paninira o PANGGULO kay Digong at sa kaniyang gobyerno ang banat ni
David, BAKIT NGAYON LANG NIYA sinasabi ito? Bakit hindi pagkatapos agad ng
proklamasyon ng Pangulo?
Matalino si David, Ewan ko lang kung hanggang
ngayon pero propesor siya sa University of the Philippines (UP). At ayon sa
ilan kong dating kasamahan sa media, mabait
at makatao ito kuno. Kaya’t IMPOSIBLENG HINDI NIYA NAISIP na WALANG KONEKSYON, napaka-WRONG
TIMING at WALANG KONSYENSIYA ang post niyang iyon. BAKIT NILAGAY niya pa rin sa
Facebookj
Pangalawa: Tiyak namang hindi lang sa Davao
City mayroong night market sa mga panahong ito. Pero IYON ang binomba. Parang
pangaasar kay Digong na sarili niyang teritoryo,
hindi niya maprotektahan. Next, tulad sa
mga napapatay na drug pusher at trafficker, WALANG TUMITIRA O KUMUKONDENA sa
mga kriminal mula sa mga lantarang kritiko ni Digong. Pero tulad rin sa drug
war, may sumisisi na agad sa pulisya sa naging pamboibomba. Napalusutan o
failure of intelligence kuno. IMBES NA TUMULONG na mahuli agad ang mga bombers,
GUSTONG MAGALIT ANG SAMBAYANAN SA PULISYA.
Pnaghuli, nangyari ito ngayon kung kalian may
mga naglalabasan nang impormasyon o ebidensiya laban sa mga anomalya sa
nakaraang administrasyon. At higit sa lahat, kung kalian pinakita sa mga survey
na super sikat at pinagtitiwalaan ng husto si Digong ng sambayhanan.
Kumontra na ang kokontra. Siguraduhin lanbg na may detalye at hindi mura
lang o insult, dahil di ko kayo papatulan at iba-block ko agad kayo.30
No comments:
Post a Comment