Saturday, September 3, 2016

ANG MAS DAPAT SISIHIN SA DAVAO BOMBING…

Sept. 4, 2016

 Bukod sa  Abu Sayyaf, na ayon sa mga ulat ay  umamin nang sila ang may kagagawan, mayroon pang MAS DAPAT SISIHIN sa pambobomba sa night market sa Davao City: ANG MGA SUMUSUPORTA sa naturang grupo, at sa LAHAT NG MGA TERORISTA.

Hindi lang iyung mga nagbibigay ng pera para sa anumang dahilan. Pati na yung mga AGAD NA PINAGTATAKPAN ang Abu Sayyaf, sa pamamagitan ng AGARANG PAGSISI sa pulisya at sa militar dahil sa napalusutan ang mga ito. Isama na rin ang mga TAGAPAGTANGGOL ng mga terorista, sa pamamagitan ng AGARANG PAGREREKLAMO AT PAGIIMBESTIGA kapag may napatay sa mga ito. At MALA-SEMENTERYONG KATAHIMIKAN SA HATINGGABI kapag mga inoszenteng sibilyan lamang ang namatay, tulad ng nangyayari ngayon sa 14 na namatay sa Davao City bombing. Huwag rin nating kalimutan ang mga nagbibigay ng impormasyon para maisagawa ang krimen at iba pang paraan ng pagtulong sa mga terorista. KUNG WALA ANG MGA ITO, BUTAS NG KARAYOM ang dadaanan ng mga terorista bago maisagawa ang anumang balak nila.

Itong mga taga-suportang ito ng mga terorista ang dapat din nating hanapin at isumbong sa pulisya o sa militar. Ang mga hindi dapat tulungan pag sila ang mga nangailangan o nagkaproblema. Ang mga dapat iwasan ng lubusan, bilang kaibigan man o kapitbahay o ordinaryong kilala lamang. Kung gaano kasama ang mga terorista, gayundin ang mga taong ito. TERORISTA RIN SILA, SA SARILI NILANG PAMAMARAAN!

Kayong mga kakampi ng mga terorista, Isipin ninyo ito: Hindi imposible na ang mga ANAK NINYO, ASAWA, MAGULANG O KAPATID at iba pang mga mahal sa buhay ang MAMATAY o masugatan sa susunod na krimen na isasagawa nila, SA TULONG NINYO. Walang [akialam ang mga terorista kung sino man ang mamatay, o masugatam sa gagawin nilang kademonyuhan. At kung tuluyan mang magkagulo sa buong bansa, itanim ninyo ito sa utak ninyo: HINDI LANG KAMING MGA INOSENTE KUNDI PATI KAYO, HINDI RIN MATATAHIMIK. Kayo at ang pamila ninyo at mga mahal sa buhay. TANDAAN NINYO. 30











No comments:

Post a Comment