Sept. 20. 2016
As expected, ousted Senate Committee on
Justice and Human Rights chairperson Leila de Lima immediately pointed to
President Digong Duterte as the mastermind of her downfall. And as always, WITHOUT HARD EVIDENCE. The only
possible reason she gave was her presentation of witness Edgar Matobato at the committee’s
last hearing wherein he revealed killings allegedly ordered by Duterte to the
supposed Davao Death Squad.
Linawin nating mabuti: WALANG MAPAPALA si Digong
kung ipapatanggal niya si De Lima bilang chairperson ng Senate Justice
Committee. DAHIL WALA PA NAMANG NAPAPATUNAYAN na kahit na ano si De Lima laban
sa kaniya. WALA ni isang pirasong pisikal na ebidensiya o testigo na
napatunayan, o makapagpapatunay, na inutusan siya ni Digong na patayin ang
sinuman, lalo pa ng walang laban.Sa madaling salita, WALANG DAPAT IKATAKOT si Digong
kay De Lima. Kaya walang matino o balidong dahilan para pagaksayahan man lamang
niya ito ng panahon sa anumang kadahilanan.
Tutoong maraming naikuwentong patayan si Matobato
na utos umano ni Digong sa hearing pero NAKITA, NADINIG at NABASA na ng buomg
sambayanan na siguro sa social at national media ang mga KASINUNGALINGANG
NAKITA ng mga senador sa mga salaysay niya. Kaya lalong walang dapat ikakaba
man lamang ang Pangulo sa naging mga hearing ng committee ni De Lima para
pagisipan niya na mapatalsik ito bilang chairperson.
ILUSYON AT KAYABANGAN NA LAMANG ang umandar
kay De Lima. Feeling niya ay ganoon siya ka-super galing bilang chairperson
kaya’t si Digong pa mismo ang nasa likod sa pagpapatalsik sa kaniya. Sabi nga
sa isang istasyon ng radio, HOYYYY….GISING! 30
No comments:
Post a Comment