Monday, September 5, 2016

HUWAG KAYONG MANLOKO SA FM PROTEST NINYO!

Sept. 6, 2016

Mayroon daw gagawing globhal protest kuno bukas laban sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos (FM) sa Libingan ng mga Bayani. Global so ibig sabihn sa buong mundo. Kaya sa mga organizers: SIGURUHIN lang ninyo na HINDI NINYO LOLOKOHIN ang Sambayanan.

Una: SIGURUHIN ninyong global protest talaga iyan, at hindi isa o dalawa o wala pang 10 bansa at pagkatapos ay sasabihin ninyong global. Mga HINDI LAMANG NAKAPAGARAL ang hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng global.

Pangalawa: SIGURADUHIN LANG NINYO na mga BUIHAY AT MAY ISIP NA noong Martial Law ang sasali sa protesta ninyo. Mga dalaga’t binata, o mga may idad na o teenagers na noong Martial Law. Huwag kayong magsasama ng mga HINDI PA BUHAY (anuman ang idad nila ngayon) o sanggol/ batang musmos pa lamang noong Martial Law, at pagkatapos ay LOLOKOHIN NINYO ang Sambayanan na pagkarami-raming sumama sa inyo. KAWALANGHIYAAN na isama sa protesta ang sinumang HINDI PERSONAL NA NARANASAN o hindi oa tao noong panahon ng ipino-protesta.

Pangatlo:  SIGURADUHIN lang ninyo na kung maglalabas kayo ng pictures o video ng magiging rally ninyo, ipakikita ninyo yung BUONG PALIGID PARA MAKITA KUNG GAANO KADAMI TALAGA ang sumali kumpara sa sasabihin ninyong bilang. At hindi iyung pagsasama-samahin lang ninyo ang mga sasali at saka ninyo kukunan ng photo o video para magmukhang marami.

Pangapat: Global kuno ang magiging protesta ninyo kaya siguruhin lang ninyo na may mailalagay kayong city o bayan o region na pagmumulan ng mga sasali sa bansa nlangkinalalagyan. At mas maganda kung may bikdeo patui ng mga sasali na nagsasabi kung taga saan sila. Panglima:  Linawin ninyo AGAD KUNG SAAN O KANINO manggagaling ang gagastusin ninyo sa mga kilos protesta ninyo. Para magkaalaman agad kung talagang kusang sumali ang mga sasali o dahil lamang sa may libreng ganito o ganoon.

MAGKAALAMAN NA ng katotohanan, once and for all! 30


No comments:

Post a Comment