Thursday, September 8, 2016

SUGGESTION LANG KONTRA TRAFFIC!

Sept. 9, 2016


Personal na opinyon at suggestion ko lang ito kung paano mababawasan ang krisis sa traffic na ARAW-ARAW na nating tinitiis, mga kababayan. At hindi ko sinasabing100 porsieyntong sigurado ito. Bakja sakali lang makatulong.

Imbes na lahat o halos lahat ay alas-5 ang labas sa opisina, IADJUST ang oras. Gawin ng mga kumpanya na may uuwi ng alas-5, may alas-7 at may alas-9. Para HINDI SABAY-SABAY na nasa kalye ng alas-5 o past 5. Kaya halimbawa, kung mayroong 50,000 na sasakyan sa kalsada ng alas-5, maaari itong maging 45,000 na lamang o 40,000. Para pagdating ng 7, iyung mga lumabas ng 5 ay wala na o palabas na ng mga siksikan lagi na mga kalsada tulad ng EDSA. Kundi man nakaujwi na rin yung mga pang-alas 6 ay malapit na sa tintirhan nila.  Ganun din ang magigign epelto paglabas ng mga pang-alas 7 at alas-9.

Kahit sa mga namamasahe lang, kasama na ang mga pasahero ng MRT, makakaluwag din ang ganitong Sistema. Dahil mababawasan na ang makapal na mga nagaabang sa kalsada o mahabang pila sa MRT. Kahit paano ay mas mabilis silang makakasakay at mas may pagkjakataong makaupo. O kaya ay magiging mas maginhawa ang nakatayo dahil hindi ganong karami ang makakasabay nila.

Subalit siyempre, iaadjust din ng mga kumpanya ang oras ng pasok. May pang-alas 8, alas-10 at alas-12.

Ngayon lang ako nagsulkat ng ganito at hindi ko alam kung ginagawa na ito sa ibang lugar. Kahit na hindi ako eksperto sa traffic management ay sinubukan kong gawin dahil  karamihan sa mga ahensya ng gobyereno na responsible sa traffic ay sobra-sobrang dami na ng mga sasakyan ang itinuturong sa isa mga pangunahing dahilan ng trapiko. 30

No comments:

Post a Comment