Sept. 14, 2016
Sa Comelec at sa Smartmatic: ILABAS ninyo ang
mga opisyal o tauhan ng Smartmatic na kasama sa mga kinasuhan ng kampo ni Bongbong
Marcos kaugnay ng HINDI AWTORISADONG PAKIKIALAM ng kumnpanya sa script ng transparency
server noong gabi ng Election Day. LALONG LALO na kayong mga nasa Comelec. PATUNAYAN
NINYO sa taumbayan na narito pa sa bansa ang iba pang natitirang akusado.
NAKATAKAS ILANG LINGGO na ang nakakaraan ang
isa mga taga-Smartmatic na kasama sa mga akusado. At mula noon HANGGANG NGAYON,
WALANG NABABALITANG may hold departure order (HDO) para sa iba pang akusado. Ni
HINDI NABALITANG HUMINGI ang Comelec ng HDO.Sa halip, ang rekomendasyon ng mga
imbestigador kuno ng Comelec ay IABSWELTO ANG SMARTMATIC sa pakikialam ng walang paalam sa script ng
transparency server at BAYARAN NA AGAD ng buo sa kanilang natitirang singilin sa
Comelec, ng PERA NG SAMBAYANAN.
KAYA’T WALA TAYONG GARANTIYA, mga kababayan,
na HINDI PA NAKAKATAKAS ang bang akusadong mga taga-Smartmatic. Na hindi tayo PINAGHHINTAY
SA WALA, na hindi tayo ginagawang TANGA, ng Comelec o ng naturang kumpanya. Kung wala pa ring HDO, wala ring
makakapigil sa sinumang gustong tumakas.
Kung nandito pa ang mga akusadong taga-Smartmatic,
at talagang hindi sila nandaya para kay Leni Robredxo tulad ng sinasabi nila,
WALA DAPAT MAGING PROBLEMA PARA IPAKITA sila sa taumbayan. Kung walang lalabas
p mailalabas kaht isa sa kanila ang Comelec o ang Smartmatic, at WALA rin
silang mapapakitang ebidensiya na nandito pa ang mga akusado, higit kailanman
mas LALONG DAPAT PAGDUDAHAN ang panalo ni Robredo, 30
No comments:
Post a Comment