Saturday, September 24, 2016

DAPAT HANGAAN SI DIGONG SA EXTENSION!

Sept. 24, 2016

Dapat HANGAAN, sa halip na BATIKUSIN, si Pangulong Digong Duterte sa paghingi ng extension NGAYON PA LAMANG ng kaniyang pinangakong paglipol sa illegal na droga sa loob ng anim na buwan. Kahit na sa Disyembre 31pa matatapos ang anim na buwan.

Una: Ipinakita ni Digong na TUNAY SIYANG LALAKI AT LIDER. MARUNONG TUMANGGAP na pagkukulang o pagkakamali.  At INAAKO ANG RESPONSIBILIDAD. WALANG SINISISI, dahil siya ang pinuno. Hindi TULAD NG IBA na PURO SISI, na kasalanan ng iba kapag may naging problema o KAPALPAKAN.  Na MALA-DIYOS ang tingin sa sarili, HINDI NAGKAKAMALI KAHIT KAILAN.

Pangalawa: Nagpakita si Digong ng TUNAY AT TAMANG TAPANG AT TATAG NG LOOB. Wala nang tigil ang batikos sa kaniya ng sari-saring grupo, mga grupo na pati international media at organizations ay iniiyakan na dahil WALA NAMANG PUMAPANSIN sa kanila dito sa atin. Pero pinakita ni Digong na HINDI SIYA MATITINAG. Na hindi siya panghihinaan ng loob ng anumang atake,  Na hindi siya natatakot sinupaman ang tumira sa kaniya, o saan man ito makarating.   Hindi tulad ng iba na krisis o kalamidad nang nangyayari, HINDI NA MALAMAN O MAKITA KUNG NASAAN.

Kaya sa inyong mga nagwawala at agad na hinihingi ang resignation ni Digong dahil sa paghingi niya ng extension sa kaniyang anti-drug war, PATUNAYAN MUNA NINYO na mula sa pagkabata, LAHAT NG PINANGAKO NINYO AY NATUPAD NINYO. Na kahit isa ay wala kayong pangako o sinabi na hindi ninyo pinatupad. Ilagay ninyo ang TUNAY NINYONG LITRATO AT PANGALAN pag pinost na ninyo, para makita natin kung merong magsasabing sinungaling kayo o hindi.  Ipaliwanag rin ninyo kung bakit HNDI KAYO NAGINGAY at humingi ng resignation ni PNoy nang  HINDI NIYA TIN UPAD ang pangako niyang MAGPAPASAGASA sa tren  nang may pangako siyang hindi natupad kaugnay sa MRT.

Kung wala kayong maibbigay na katibayan at matinonjg paliwanag sa mga ito, ipaliwanag na lang ninyo kung bakit hindi kayo dapat tawaging mga IPOKRITO O BIASED, o mga BAYARAN ng kung sinuman. 30



No comments:

Post a Comment