Tuesday, September 27, 2016

PROTECT YOUR KIDS AGAINST ILLEGAL DRUGS!

Sept. 27, 2016

News reports say the mega-shabu laboratory discovered in Arayat, Pampanga could produce up to 400 kilos a day. So allow me, people, to repost this excerpt from a booklet on illegal drugs which I had written to help parents or heads of families protect their loved ones, especially the youth, against illegal drugs.

Lumikha ng maganda at mabuting pagtitinginan sa pamilya. Ipagkapuri o ipagmalaki ang inyong mga anak sa kanilang kagandahang-asal at tagumpay trabaho man o eskwela. Maging handa anumang oras para makinig sa inyong mga anak kapag sila ay may idinulog na problema. Kung kinakailangan ay samahan sila sa paglutas ng problema. Saluhan din sila sa kanilang mga tagumpay o kabiguan.

Iwasan ang pagsesermon at pangangaral. Panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kanila. Subalit tiyakin ang pagpapatupad ng inyong sariling mga regulasyon laban sa droga sa loob ng tahanan. Ipakita sa pamamagitan ng inyong sariling halimbawa na ang masayang buhay ay hindi nangangailangan ng droga. Subalit oras na matuklasan ninyong may addict sa pamilya ay agad na ipagamot ito. Huwag na huwag itong pabayaang lumala muna.

Engganyuhin ang inyong mga anak na tumuklas ng mga bagong larangan o interes na mabuti sa kalusugan ng katawan at isipan. Ang isang addict ay ipaglalaban ang kaniyang mga kapuwa addict ngunit agad siyang matatauhan sa sama-samang paliwanag at pagmamahal ng buong pamilya.

Pagsikapan ninyong makilala ang mga kaibigan ng inyong mga anak at patnubayan sila sa pamimili nito. Makipag-ugnayan sa mga magulang ng mga kaibigan ng inyong mga anak upang kayong lahat ay makapag-palitan ng inyong nalalaman hinggil sa droga. Magbigayan din kayo ng impormasyon hinggil sa mga pusher, addict o bentahan ng droga sa inyong kapaligiran. Para mas epektibo, magtayo kayo ng samahan at sama-sama ninyong pangaralan ang sinumang kabataang gumagamit ng droga sa isang kalmado at kagalang-galang na paraan. Suportahan ang isa’t-isa kung iintrigahin kayo ng mga pusher o addict upang mawasak ang inyong samahan.

Alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa mga ipinagbabawal na gamot at ipabatid ang mga ito sa inyong mga anak sa isang tapatang talakayan. Magbasa o magtanong-tanong tungkol sa problema sa droga sa inyong kapaligiran o sa buong bansa at hikayatin ang inyong mga anak na sumama sa inyo. Ang Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, Dangerous Drugs Board at mga lokal na anti-drug abuse councils ay may mga malalawak na library hinggil sa droga. 30



No comments:

Post a Comment