Friday, September 9, 2016

WALANGHIYAAN TO THE MAX FROM COMELEC!

Sept. 10, 2016

 A story in inquirer.net written by Julie Aurelio said an investigation team of the Commission on Elections (Comelec) has recommended that Smartmatic be cleared in the UNAUTHORIZED alteration of the transparency server script during the canvassing of votes on the night of Election Day.

WALANGHIYAAN TO THE MAX NA ITO. SAGARAN AT HARAPANG PANG-GAGAGO na sa atin ito, mga kababayan.

Hanggang ngayon, HINDI PA PUMAPAYAG ang Comelec na maeksamin ng mga eksperto mula sa pribadng sektor ang naging alteration ng Smartmatic upang MAGKAALAMAN na kung talagang NAGRESULTA ITO NG PANDARAYA na pabor kay Leni Robredo o hind. HUWAG NATING KALIMUTAN, mga kababayan, pagkatapos ng alteration ay NAGLAHO ANG HALOS ISANG MILYONG LAMANG ni Bongbong Marcos kay Robredo sa loob lamang ng ilang oras. Ito ay sa kabila ng katotohanang ,maliban sa HULING ISANG LINGGO lamang bago mag-eleksiyon biglang nagnumber one si Robredo sa surveys. Isa o dalawang araw lamang matapos madiskubre ang UNAUTHORIZED ALTERATION AY AGAD na hiniling ni Bongbong sa Comelec na ipaeksamin muna ito at itigil muna ang bilangan.

Pero HINDI SIYA PINANSIN ng Comelec. Ni WALA ring nahalta kung may ginawang aklsyon ang Comelec laban sa mga empleyado nilang nasangkot sa UNAUTHORIZED ALTERATION at sa Smartmatic  mismo. Nakalabas pa nga ng bansa ang isang taga-Smartmatic bago ito maimbestigahan. WALA ring balita  WALA ring balita kung nasaan iyung script./ WALA ring maibigay na garantiya ang Comelec na HINDI ITO GINAGALAW ng kahit sino. Tapos ngayon, gusto ng mga imbestigador ng Comelec na ICLEAR, IABSWELTO ang Smartmatic  At ang mas matindi, dapat daw BAYARAN na ng buo ang kumpanya.  

WALA ng mas KAKAPAL PA ANG MUKHA sa mga ito.  Kung ipipilit ninuman na dapaty iabswelto ang Smartmatic, ILABAS AT IPAEKSAMIN NA ang alteration at script.  KUNG TALAGANG WALANG DAYAANG NAGANAP, WALANG DAHILAN PARA HINDI pumayag ang Comel;ec.  Kung hindi ilalabas, tandaan ninyo, TUTOO ANG KARMA. At HINDI NATUTULOG ANG DIYOS. 30



No comments:

Post a Comment