Sept. 18, 2016
Sa mga estudyanteng sasali sa binabalak na mass
class walkout sa anibersaryo ng Martial Law sa Sept, 21, magisip muna kayong
mabuti. ISUSUBO KAYO SA GULO ng mga organizer. Kung sakali, KAYO ANG MASASAKTAN,
ANG MAMOMROBLEMA, ang lahat HINDI SILA!
Maliban lang siguro sa University of the
Philippines (UP), kahit saang eskuwelahan, BAWAL MAG-WALKOUT sa klase. Kaya may
karapatan ang eskuwelahan na PIGILAN KAYO sa anumang paraan. Kapag nangyari na
ito KAYO LAMANG ang sasabak sa TULAKAN, SUNTUKAN o anupaman. Nangangarap kayo kung umaasa kayo
na makakasama ninyo ang NAG-RECRUIT SA INYO. Kung gusto ninyo, tanungin ninyo
ang recruiter ninyo. HINGIAN NINYO NG GARANTIYA na katabi ninyo siya kung
magkakagulo. Sa eskuwelahan man o sa lugar ng rally.
Humingi rin kayo ng garantiya na kung
masasaktan kayo, SAGOT NG RECRUITER NINYO ANG GASTOS sa ospital o sa mga gamot.
O kaya ay ang PIYANSA at lahat ng magiging gastos kung sakaling MAARESTO KAYO AT
MAKASUHAN. At hindi iyung BAHALA NA KAYO SA BUHAY NINYO kapag nangyari ang
mga iyon.
Kung hindi man kayo pigilan sa pag-walkout, maaari
pa rin kayong parusahan ng eskuwelahan sa ibang paraan. Gaya halimbawa ng EXPULSION
o failing grade kung may nakatakda kayong exam sa Sept. 21, o kung anumang
nakalagay sa student’s handbook ninyo. Kaya
isipin ninyo ito: May kapangyarihan ba, kaya ba, ng nagrecruit sa inyo na
iligtas kayo sa anumang magiging problema ninyo sa pagaaral dahil sa walkout? Kung
ang isasagot sa inyo ay hindi, BAKIT KAYO PAPAGAMIT sa kagustuhan niya at ng
mga boss niya?
Walang pumipigil sa inyo na magprotesta. Pero
isipin ninyo ito, BAKIT KAILANGANG WALKOUT SA KLASE? Bakit yung bawal, yung
makakaabala, at hindi yung MAPAYAPANG PARAAN LAMANG? 30
No comments:
Post a Comment