Sept. 7, 2016
Sa ayaw at sa gusto, tanggapin man o hindi,
ng mga kritiko ni Pangujlong Digong Duterte, PANALO pa rin siya sa
kontrobersiyang ibinunga ng matatapang niyang salita na sa tingin ng marami ay
pagmura o panginsulto kay US President Barack Obama.
Paano? Inihayag na ni Digong na PIINAGSISISIHAN na niya ang mga nasabi niya. Sa
pamamagitan noon, pinatunayan ni Digong na HINDI SIYA MAYABANG, na tunay siyang
LALAKI AT MAGINOO na marunong tumanggap ng pagkakamali. Tulad ng ginana na niyang pag-sorry kay Chief
Justice Ma Lourdes Sereno ilang linggo na ang nakaraan nang may masabi rin
siyang medyo mabibigat na mga salita dito.
HINDI siya tulad ng ibang pinuno na HINDI
MARUNONG tumanggap ng pagkakamali, na walang alam kundi SISIHIN ANG IBA kapag
nagkamali o may nangyating hinid maganda sa kaniyang pamumuno. Napatunayan ni
Digong na maliban sa pagiging pangulo, ordinaryong tao pa rin siya tulad natin na
nagkakamali paminsan-minsan. Hindi tulad ng iba na MALA-DIYOS ang tingin sa
sarili, hindi nagkakamali kahit kalian.
Kaya’t wala nang dahilan para pahabain pa
ninuman ang isyung ito. Tumigil na rin si Digong at nagsabing maayos na sana ang lahat. Mga INTRIGERO AT BAYARANG CHARACTER ASSASSINS, o mga taong ang hanapbuhay ay SIRAIN ANG
REPUTASYON ng iba, ang magpapahaba pa ng kontrobersyang ito. Mga bayaran na naglilingkod sa mga taong WALANG
PAKIALAM sa sambayanan at sa bansa kung
tuluyang sumama ang loob ng Amerika sa Pilpinas, masira lamang si Digong. At matupad ang mga PANSARILI NLANG PLANOI o
ambisyon sa pulitika. 30
No comments:
Post a Comment