Monday, September 5, 2016

HUWAG NATING KALIMUTAN SINA LENI, LEILA, ETC…

Sept. 6, 2016

Habang patuloy na umiinit ang usapin sa terorismo/state of lawlessness at giyera kontra illegal na droga, HUWAG TAYONG MAKALIMOT kina Leni Robredo, Leila de Lima at iba pa. Hanggang ngayon. WALA PANG LINAW ang mga REKLAMO/KASO na kanilang kinakaharap.

Hanggang ngayon, AYAW PABUKSAN AT IPAEKSAMIN ng Comelec ang script ng transparency server na pinakialaman ng walang paalam ng Smartmatic noong gabi ng eleksiyon. Tandaannatin na matapos ang pakikialam, humigit-kumulang sa isa o dalawang oras lamang ay tuluy-tuloy na naglaho ang halos isang milyong lamang sa kaniya ni Bongbong Marcos.  WALA pa ring ginagawang aksyon ang Comelec laban sa Smartmatic tungkol dito, at pati na sa PAGTAKAS ng isang eksperto ng kumpanya na kasama sa mga kinasuhan ng kampo ni Bongbong dahil sa pangyayari. UMAMIN na rin ang Smartmatic na gumamit sila ng iba pang servers na IINILIHIM NILA sa Comelec pero HINDI PA RIN SILA NATINAG.

Ang dating driver at diumano ay kolektor ni Leila de Lima ng suhol mula sa mga drug lords sa New Bilibid Prison na si Ronnie Dayan ay HINDI PA RIN LUMALABAS para magpaimbestiga kaninuman. Paulit-ulit si De Lima na pawing kasinungalingan lamang ang mga diumano ay koneksiyon niya sda mga drug lord sa NBP. Isa sa magiging pinakamatibay na testigo ni De Lima si Dayan kung talagang inosente siya. Ngunit WALANG NABABALITANG ANUMANG HAKBANG niya para lumantad na ito.

Sari-saring reklamo ang inihain laban kay dating Agriculture Sec. Proceso Alcala. Gayundin kay dating Transportation and Communications Sec. Joseph Emilio Abaya. Pero ni isang salita, wala nang narinig mula sa Ombudsman tungkol sa mga ito. Hanggang n gayon, WALANG MALINAW KUNG SAAN NAPUNTA ANG BILYON-BILYONG donasyon at pondo mula sa gobyerno at sa iba’t-ibang bansa para sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda.” Itama ako ninuman pero walang nababalitang kahit balak na imbestigasyon ang Ombudsman tungkol dito.  Wala ring nabalitang ginawa o iniutos na pagsisiyasatg man lamang si De Lima hanggang sa magbitiw siya bilang Justice secretary para kumandidato.

Marami pa, mga kababayan. HUWAG TAYONG MALUNOD o padala sa agos ng walang tigil na batikos ng iba sa drug war, state of lawlessness at sa halos bawat kilos ni Pangulong Digong. TAUJMBAYAN ang patuloy na nagdurusa sa mga katarantaduhang ito. Huwag tayong makalimot na HINDI PUWEDENG WALANG MANAGOT.30




No comments:

Post a Comment