Sunday, September 18, 2016

HUWAG BASTA-BASTA MANIWALA KAY DE LIMA!

Sept.19, 2016

HUWAG basta-basta maniwala ang sinuman sa inaasahan nang denial o pagkakaila ni Leila de Lima na tumanggap siya ng SUHOL mula sa mga drug lords na nakabilanggo sa New Bilibid (NBP) Prison sa Muntinlupa.

Kung talagang wala siyang kasalanan, at gawa-gawa lamang at puro kasinungalingan ang mga sinasabi at sasabihin pa ng mga tetestigo laban sa kaniya sa House of Representatives bukas, BAKIT AYAW NIYANG PUMUNTA  sa hearing at KOMPRONTAHIN ang mga ito?  Sinumang inosenteng tao na pagbibintangan ng mga ILEGAL na gawain ay AGAD NA SASAMANTALAHIN ANG UNANG PAGKAKATAON na harapin ang nagbibintang at patunayang sinungaling ito. Agad na magdedemanda ang inosente at susuntukin pa o tatadyakan ang nagbibintang kung talagang nagsisinungaling ito.

Pero hindi ito gagawin ni De Lima. Hindi siya sisipot sa hearing sa House.

Ayon sa mga balita, may ilalabas din daw na mga ebidenisiya ang mga tetestigo laban sa kaniya. Ang tunay na inosente, MAGMAMADALI PANG MAILABAS agad ang mga ebidensiya upang patunayang wala siyang  ginawang mali. Hindi rin  ito gagawin ni De Lima. Pero WALA NA SIYANG TIGIL sa pagpupumilit na wala siyang tinanggap kahit singko mula sa mga drug lord sa Bilibid, at puro sinungaling ang mga tetestigo laban sa kaniya at peke ang anumang ebidensiyang ilalabas ng mga ito, TALO pa niya ang manghuhulang si Madam Auring., Hindi pa nagsisimula ang hearing ay alam na niya ang mangyayari.

SARILING SALITA lamang ang pinakikitang BASEHAN ni De Lima hanggang ngayon para paniwalaan siya. Pero 100 porsiyento akong sigurado sa isang bagay: Tanging SALITA LAMANG NG PANGINOONG DIYOS ang walang kailangang anumang ebidensiya.30



No comments:

Post a Comment