Sept. 16, 2016
Dapat munang imbestigahan si Leila de Lima
tungkol kay Edgar Matobato SA LALONG MADALING PANAHON bago siya magsagawa ulit
ng anumang hearing sa Senado. Sa DAMI NG KASINUNGALINGAN na inilahad ni
Matobato kahapon sa Senado, dapat pagpaliwanagin si De Lima ng kaniyang mga
kapuwa senador kung BAKIT NIYA HINAYAANG TUMESTIGO si Matobato, kung ano ang
motibo niya.
Bukod sa pagiging senadora ABUGADO rin si De Lima. Kahit na hindi ajko abugado, mangangahas
akong sabihin na BOBONG ABUGADO lamang ang maghaharap ng testigo sa anumang
hearing ng HINDI niya muna nakakausap ito ng mabuti at NABEBERIPIKA ANG KATOTOHANAN
ng mga deklarasyon nito. At tiyak namang
HINDI TATANGGAPIN KAHIT KAILAN ni De Lima na BOBO SIYANG ABUGADO.
Kaya’t nakausap ba ni De Lima si Matobato
bago ito tumestifgo kahapon sa Senado? Kung oo, dapat IDETALYE ni De Lima kung
ano-ano ang mga sinabi nito sa kaniya at ano ang nakakumbinsi sa kaniya na
tanggapin itong testigo. Kung sasabihin niyang hindi niya ito nakausap kahit
minsan, mas lalong dapat ipaliwanag ni De Lima kung ano ang naging basehan niya
at o sino ang nagrekomenda sa kaniya na tanggaping testigo si Matobato.
At HUWAG dumepensa si De Lima o ang kampo
niya na wala siyang obligasyong magpaliwanag sa taumbayan. PERA NG TAUMBAYAN
ang sinusuweldo niya bilang senador. Pera ng taumbayan ang ginagastos ng opisina
niya bilang senador, at ng Senado sa kabuuan.
Kung HINDI RIN LANG KAPANI-PANIWALA at tunay
na KAILANGANG- KAILANGAN, lalong HINDI OBLIGASYON ng taumbayan na pondohan ang
anumang gustong gawin ni De Lima anumang oras niya maisipan. 30
No comments:
Post a Comment