Tuesday, September 27, 2016

GINAGAWANG TANGA NI DE LIMA SI DIGONG!

Sept. 28, 2016

BULOK ang style ng drama ni Leila de Lima sa naging hamon niya kay Prangulong Digong Duterte kanina sa Senado  na ipaaresto na lang siya ngayon din at ipakulong dahil sa sari-saring isyu laban sa kaniya kaugnay ng bentahan ng illegal na droga  sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. BULOK NA BULOK dahil alam niya na alam ni Digong, na isa ring abugado tulad niya,  na gustuhin man ng Pangulo ay  HINDI MAAARING  gawIn ito  ora mismo. GINAGAWANG TANGA na naman ni De Lima ang Sambayanan para lamang MAAWA SA KANIYA.

Para sa mga kulang ang kaalaman: HINDI BASTA-BASTA PUWEDENG HULIHIN ang sinuman ng WALANG WARRANT OF ARREST na inilabas ang judge laban sa kaniya. At maglalabas lamang ng warrant of arrest ang judge KAPAG MAY NAISAMPA nang kasong kriminal laban sa aarestuhin. Maaari amang arestuhin ang sinuman ng walang warrant kapag NAHULI SIYA SA AKTO na  ginawa ang isang krimen, tulad ng pagpatay o pagrape, pagnanakaw o holdup, pagbebenta ngh bawal na bagay tulad ng illegal na droga at iba pa. Maaari ring arestuhin ang sinuman kapag may nakitang bawal na bagayt tulad ng droga o hindi lisensyadong baril sa kaniyang pagiingat.

Sa kaso ni De Lima, WALA PANG KASONG KRIMINAL na fina-file laban sa kaniya. Kaya HINDI PUWEDENG MAGLABAS ng arrest warrant laban sa kaniya. HINDI pa rin siya nahuhuli sa akto na gumagawa ng krimen. WALA pa rin namang NAKIKITANG ILEGAL NA BAGAY sa kaniyang pagiingat. Kaya alam niya na hindi siya puwedeng ipaaresto at ipakulong ngayon din ni Digong..  Hindi lang ang Sambayanan kundi PATI SI DIGONG GUSTONG GAWING TANGA ni De Lima.

HUIWAG nating kalimutan, mga kababayan, WALANG PUMIPIGIL kay De Lima na tumestigo at linisin ang kaniyang pangalan sa imbestigasyon na isinasagawa ng House of Representatives, SIYA ANG AYAW HUMARAP! Paulit-ulit na siya ng pagsasabing peka ang mge ebidensiya laban sa kaniya, pero WALA naman siyang inilalabas na sariling pruweba na inosente siya.

PURO SALITA lamang siya. At kahit hindi ako abugado, mangangahas akong sdabihin na HINDI SAPAT ANG SALITA NIYA NGAYON O KAILANMAN. 30




No comments:

Post a Comment