Oct 1, 2016
Heto ang aking personal na paalala sa mga drug
user o addict.
WALANG MABUTING IDUDULOT ang paggamit ng
illegal na droga sa inyo. HINDI LALAKAS ang katawan ninyo. Sa halip, papayat at
tuluy-tuloy kayong manghihina habang patuloy kayong nagda-drugs, hanggang sa
kinalaunan ay MAMATAY KAYO ng maaga. Isipin ninyo: May kilala o may nakita na
ba kayong addict na lalong gumwapo o gumanda, naging macho o sexy, dahil sa
illegal na droga?
HINDI KAYO KIKITA O YAYAMAN. MAUUBOS ang pera
ninyo, pati na ang sa mga magulang ninyo, kakabili ng drugs kung saan addict na
kayo. At kapag wala na kayong pambili at ayaw na kayong bigyan ng mga magulang
ninyo ng sobra-sobrang pera, matututo na kayong magnakaw o mangloko ng tao
magkapera at makabili lamang. Payayamanin na ninyo ang pusher o drug lord,
KULUNGAN PA ANG KABABAGSAKAN NINYO pag gumawa kayo ng masama at nahuli. HUWAG
NINYONG ASAHAN na tutulungan kayo ng pusher o supplier ninyo ng droga na
makalaya.
Pangalan at reputasyon ninyo, at ng inyong
mga magulang o pamilya ang masisira kapag naging addict kayo. HINDI ANG SA
PUSHER.
Imbes na mas tumalino ay MABOBOBO kayo kapag
magiging addict kayo. Magiging malilimutin, at katagalan ay MABABALIW kayo.
Kung may kokontra, magharap din agad ng kahit isang taong masa naging matalinoi
dahil sa paggamit ng illegal drugs. HINDI RIN KAYO SISIKAT bilang addict.
KAIINIISAN at iiwasan kayo ng mga nakakakilala sa inyo. Lalong hindi kayo
magkakaroon ng anumang premyo o award mula kaninuman sa paggamit o pagabuso ng
droga.
Panghuli, HINDI SOLUSYON ang illegal na droga
sa anumang problema ninyo. Kung iniwan kayo ng asawa ninyo o
boyfriend/girlfriend, lalo kayong HINDI BABALIKAN pag nalamang nagda-drugs na
kayo. Gayundin kung hindi kayo pinapansin ng iniiibig ninyo ng lihim. Kung ang
katwiran namam ninyo ay hindi kayo mahal ng mga magulang ninyo, LALO KAYONG
MAGKAKALAYO. Unang-una na, IPAPAREHABILITATE nila kayo. Isipin ninyo, may
nabalitaan na ba kayong pamilyang MAS NAGKALAPIT-LAPIT sa isa’t-isa dahil sa
pagiging addict ng isang miyembro? KARAGDAGANG PROBLEMA, hindi solusyon, ang
ibibigay ninyo sa inyong sarfili at sa inyong mga mahal sa buhay.
ILIGTAS NINYO ANG INYONG MGA SARILI, HABANG
MAAGA!30