Tuesday, June 9, 2015

SAGARANG KAIPOKRITUHAN NG MALACANANG PARA KAY PURISIMA!

SAGARAN AT WALANG KAHIHIYANG KAIPOKRITUHAN na ang ginagawa ng Malacanang para la,mang PATULOY NA MAIPAGTANGGOL si dating PNP chief Alan Purisima sa mga batikos na NAPAKA-ESPESYAL naman ng pagtrato sa kaniya ng PNoy Government. Partikulatr na sa pagpapababalik kay Purisima sa serbisyo sa kabila ng WALA PANG KATARUNGANG PAGMASAKER sa 44 na PNP-Special Action Force (SAF) commandoes sa Mamasapano.

Sa isang press conference ngayon, Hunyo 10, sa Malacanang, binigyang-diin ni Presidential Communications Sec. Sonny Coloma na walang espesayal na pagtrato kay Purisima ang Aquino gobyerno.  Pero tulad ng sinabi ko sa isa kong nakaraang blog: Hanggang sa tapusin ng lahat ng nagimbestiga sa nangyari sa Mamasapano ang kani-kanilang mga  ulat, HINDI BINAWI ni dating SAF Director Getulio Napenas ang kaniyang pahayag na KAY PURISIMA siya kumukuha ng utos noong isinasagawa ang operation.  Hind rin binawi ni Napenas ang kaniyang pahayag na si Purisima ang nagsabi sa kaniya na HUWAG NA NIYANG IPAALAM  kina  PNP officer-in-charge Deputy Director-General Leonardo Espia at DILG Sec. Mar Roxas ang naturang misyon.

Isa pa, INAMIN ni PNoy na si Purisima ang isa mga unang nagpaalam SA KANIYA na kasalukuyan nang nagaganap ang labanan sa Mamasapano noong umaga ng Enero 25. KAHIT NA SUSPENDIDO ITO NOON. Pero sa kabila ng lahat ng ito, WALANG ANUMANG NAGING KASO, ktiminal man o adminisatratibo, o KAPARUSAHAN kay Purisima.  Naulat na rin sa mga pahayagan na BUO  pa ring tatanggapin ni Purisima ang kaniyang sweldo at mga benepisyo bilang 4-star general ng PNP na humigit-kumulang P100,000 ISANG BUWAN. Gayunpaman, MAY KAPAL PA RIN MUKHA si Coloma na sabihing walang espesyal na pagtrato ang gobyernong Aquino kay Purisima.

Tinangka pang magbagong-puri ni Coloma at sinabi niyang patuloy ang pamahalaang Aquino sa paghahanap ng katarungan para sa SAF 44. Sabi nga ng mga kabataan ngayon: “weehhhh, di nga? “

May rekomendasyon na ang binuong grupo ni Justice Sec, Leila de Lima na KASUHAN na ang humigiy-kumulang na 90 katao para sa Mamasapano massacre. Pero sa halip na payagan agad ito, pinagtatrabaho pa ni Delima ng isang buwan ang grupo para sa karagdagang ebidensiya kuno. At HINDI RIN TINIYAK ni De Lima kung kailan maisasama ang mga kaso. Kayo na ang maghusga, mga kababayan, kung ano ang mjaitatawag sa ganitong akston.

Nakakatulog pa kaya ng mahimbing si Coloma, o si PNoy? Siguro, MAY ALAM, O MAY PINAGHAHAWAKAN ba si Purisima laban kay PNoy kaya’t kahit na LANTARANG KAIPOKRITUHAN o kasinungaligan na ang kanilang sinasabi ay HINDI NA SILA NAHHIYA. 30



No comments:

Post a Comment