Isang
reader natin ang nagkomento na ano naman daw ang mali kung pinabalik sa PNP ang
dating hepe nitong si Alan Purisima kung magagawa naman daw nito ang aanumang
bagong trabahong ibibigaysa kaniya?
Ito
ang sagot ko: HINDI PA LUBUSANG NAPAPATUNAYANG WALANG KASALANAN si Purisima sa
usaping SIYA ANG NAGPATAKBO ng operasyon ng PNP-SAF sa Mamasapano noong Enero
25, KAHIT NA SUSPENDIDO siya noon. Tulad
ng alam natin, 44 na SAF commandoes ang MINASAKER sa Mamasapano. Tandaan ninyo, mga kababayan:
Hanggang
sa tapusin ng lahat ng nagimbestiga sa nangyari sa Mamasapano ang kani-kanilang
mga ulat, HINDI BINAWI ni dating SAF
Director Napenas (nakalimutan ko na ang unang pangalan)ang kaniyang pahayag na
KAY PURISIMA siya kumukuha ng utos noong isinasagawa ang Mamasapano
operation. Hind rin binawi ni Napenas
ang kaniyang pahayag na si Purisima ang nagsabi sa kaniya na HUWAG NA NIYANG
IPAALAM kina PNP officer-in-charge Deputy Director-General
Leonardo Espia at DILG Sec. Mar Roxas ang naturang misyon.
Isa
pa, INAMIN ni PNoy na si Purisima ang isa mga Unang nagpaalam SA KANIYA na
kasalukuyan nang nagaganap ang labanan sa Mamasapano noong umaga ng Enero 25.
Pero
sa kabila ng lahat ng ito, WALANG ANUMANG NAGING KAPARUSAHAN kay Purisima. Hindi pa rin nabibigyan ng katarunganb ang
pagmasaker sa SAF 44. Kaya’t sa pagpapabalik kay Purisima sa PNP, para naring
sinabi ng gobyerno ni PNoy na WALA ITONG KASALANAN AT HINDI DAPAT MANAGOT sa
anmang paraan sa Mamasapano massacre. Kung sana ay napatunayan nang kaisnungaligan lamang
ang lahat ng paratang laban kay Purisima ay
walang problemang payagan na itong makabalik sa PNP. Pero kabaligtaran
ang nangyari.
Kaya’t
WALA na ngang matanaw KAHIT NA GA-BUHOK NA PAGASA, ng katarungan ang mga
naulila ng SAF 44 sa panig ng MILF at mga tauhan nitong nagsagawa ng massacre,
LALO NANG DUMILIM ang posibilidad na may mananagot din sa PNP sa MALA-HAYOP na pagpatay sa mga mahal nila sa buhay. Makatulong sana ang artikulong ito para maliwanagn ang
mga naguguluhan. 30
No comments:
Post a Comment