04
June 2015
Simulan
na nating BAWASAN ANG PAGSAKAY SA MRT!
LANTARANG
PANLOLOKO AT PAGPAPAHIRAP na ang ginagawa ng MRT sa atin. LANTARANG PANLOLOKO AT PAGPAPAHIRAP MA
KINUKUNSINTI ng Aquino government at ni Transportation and Communications Sec.
Jun Abaya. Kung hindi natin babawasan ang
pagsakay sa MRT, mas LALONG WALANG DAHILAN ang kinauukulan na madaliing
ayusin ang mga tren, at ang kanilang serbisyo.
Dahil tinitiis natin ang IMPIYERNONG BINIBIGAY NILA sa araw-araw.
HALOS
ARAW-ARAW na kung magkaaberya ang MRT at maantala ang biyahe ng mga ito. Hindi
lang ang tren mismo kundi kung minsan, pati na mga riles. Minsan nga ay hinjdi
na sinasabi ang dahilan. Kaninang umaga lamang
ay BUMABA sa siyam ang bilang ng mga MRT trains na tumatakbo. Ang dahilan naman
ngayon, sira ang airconditioning system ng mga ito. Masikip pa sa lata ng sardinas kung magsiksikan
ang mga pasashero, lalo pa sa umaga o pag rush hourna sa hapon. Maalog ang mga
tern pag tumatakbo ay kung mahina ang resistensiya ng pasahero ay mahihilo
dahil sa sobrang init at sari-saring amoy sa loob ng mga bagon.
Ang
lahat ng ito ay NAGAGANAP sa kabila ng pampublikong pahayag ni Sec. Abaya na
isa sa mga dahilan ng pagtaas ng
pamasahe sa MRT ng halos 50 porsiyento ilang buwan na ang nakakaraan ay
para mapabuti ang serbisyo. TULUY-TULOY ang KALBARYO natin ng sobrang
taas ng pamasahe pero SUMASAMA sa halip na bumuti ang serbisyo ng MRT.
Tuluy-tuloy ang AKYAT NG KUWARTA sa kanila
at WALANG PAKIALAM si Abaya o si PNoy sa tuluy-tuloy din nating pagdurusa.
Bakit
walang pakialam? Hanggang ngayon, KAHIT ISA AY WALANG NAPAPARUSAHAN O NAKAKASUHAN,
o nasususpindi dahil sa tuluy-tuloy na PAGSAMA NG SERBISYO NG MRT. Kahit isa. Itama ako ninuman kung mali ako. WALA
man lang tayong MARINIG NA UTOS si PNoy o si Abaya na magpaliwanag ang
sinumanbg dapat magpaliwanag. Basta bayaran natin ng tuluy-tuloy ang dagdag
pasaheng hinihigi nila at WALA TAYONG PAKIALAM kung saan napupunta ang pera o
kung HANGGANG KAILAN NILA TAYO PAHIHIRAPAN.
Kaya’t
yung mga kayang gumising ng maaga, gumising na. Bawasan na natin unti-unti,
hanggang sa makaya na nating TIGILAN, ang pagsakay sa MRT, at ang pagbibigay
natin ng dagdag kita sa kanila na WALA NAMAN TAYONG NAPAPALA. Binibigyan nila
tayo ng sakit ng ulo at katawan sa pagsakay natin sa MRT, puwes sila naman ang
pasakitin natin ng ulo sa KABAWASAN NG KUWARTANG kikitain nila at sa trapikong
ibubunga ng pagbuhos natin sa kalye sa agaabang nga bus Io iba ang masasakyan.
Tandaan
ninyo, SARILI NATIN ang pahihirapan natin kung patuloy nating tatangkilikin ang panloloko at pagpapahirap sa atin ng MRT. 30
No comments:
Post a Comment