Hindi
na maikakaila ang LANTARANG PAGBABALE-WALA ng PNoy Government sa kabayanihan ng
SAF 44.
Pansinin
niyo, mga kababayan: Mula kay Pnoy hanggang sa mga tagapagsalita niya at mga
kakampi sa Senado at House of Representatives, WALA KAHIT ISA ang walang tigil
na humihingi ng mabilis na katarungan para sa pagmasaker sa SAF 44. KAHIT ISA.
Itama ako ninuman kung mali
ako. Maliban kahapon, Independence Day,
WALA nang makaalala sa SAF 44
halos limang buwan matapos silang ubusin na parang mga hayop sa
Mamasapano noong Enero 25.
Nagimbestiga
ang Senado, PNP, House of Representatives
at kung sinu-sino pa. Tapos na ang pagsisiyasat ng Senado at ng PNP.
Nagsumte na sila ng kani-kaniyang report. Pero HANGGANG NGAYON, WALANG
NAPAPARUSAHAN O NAPAPANAGOT O NAKAKASUHAN. May paunang ulat na kuno ang House
pero isinatabi muna ito at inuna ang
PERSONAL na gusto ni PNoy na panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang
pagameynda sa Konstitusyon. Nagiimbestiga ang Department of Justice at may
pauna nang rekomendasyon na kasuhan ang may 90 tao. Pero sa halip na ipasampa
na ang mga demanda, ISINANTABI ito ni Justice Sec. Leila de Lima at inutusan
ang mga imbestigador na maghanap pa ng karagdagang ebdensiya sa LOOB NG ISANG
BUWAN. Imbes na parusahan si dating PNP chief Alan Purisima sa pakikialam at
pagmamando niya sa Mamasapano operation kahit na SUSPENDIDO siya noon ay
patuloy siyang PINAGTATANGGOL ng Malacanang sa mga kritiko at HINDI GINAGALAW. At
higit sa lahat, WALANG NABABALITANG anumang ginagawa ang PNoy government para maipilitan
ang MILF na isuko na ang mga killer ng SAF 44. MALAYA pa
kesa mga ibon ang mga killer.
Pero
kapag para sa mabilis na ikakapasa ng BBL sa Senado at sa House, LAHAT ng
maisipan nilang magsalita o pagsalitain
mula kay PNoy pababa, ay nagsasalita. Hindi lang basta salita kundi NANANAKOT
pa ng giyera sa Mindanao kapag hindi agad
inaporabahan ang BBL. Pag sa kataryngan para sa kabayanihan ng SAF 44, WLAANG PUMAPANSIN. Pero pag para sa
BBL, na kagustuhan ng mga amo ng mga KILLER, lahat gagawin. Mas IMPORTANTE ANG
MGA KILLER, kesa mga BAYANI.
Piso
manalo P100, dito lang sa atin sa Pilipinas nangyayari ang ganito. 30
No comments:
Post a Comment