Saturday, June 6, 2015

PAGABANDONAKAY POE, NAKAKADUDA!

May kasabihan tayo, anumamg KADUDA-DUDA HINDI DAPAT PANIWALAAN. Ganito ang kalagayan ngayon ng kuwento ng pagiging ABANDONADANG BATA kuno ni  Sen. Grace Poe. Isipin ninyong mabuti ito, mga kababayan:

Ayon mismo kay Poe, kinumpirma sa kaniya ng monsignor ng Jaro Cathedral sa Iloilo na nakita siya roon bilang sanggol; na iniwan, inalagaan ng isang nagngangalang Sayong Militar, na nagpasa naman sa kaniya sa isang dalagang nagngangalang Tessie Ledesma bago siya inampon nina Fernando Poe Jr. at  Susan Roces. At may lumulutang daw ngayog impormasyon na ang tunay niyang ama ay isang Edgardo Militar, na bayaw ni Sayong. Si Edgardo rin daw ang pumirma ng certificate na isa siyang abandonadang sanggol. Si Sayong daw ay nakaalis at naninirahan na sa Canada. Nagkausap pa nga daw ang pamiilya ni Sayong at si Ms. Roces bago umalis ito. Ngayon, bakit ko sinasabing KADUDA-DUDA ang kuwento?

Una: HINDI PIPIRMAHAN ni Edgardo ang certificate kung siya ang tunay na ama ni Poe. Walang sinumang magaabandona ng sanggol niyang anak ang MAGIIWAN NG ANUMANG EBIDENSIYA NA MAKAPAGTUTURO SA KANIYA pagdating ng araw. Pangalawa: Bakit kinailangang ipaampon ni Sayong si Poe kay Ledesma kung talagang anak ito ng kaniyang kapatid na si Edgardo? SZa ating mga Pilipino, WALANG KASING-LALIM ang pagpapahalaga natin sa HINDI PAGKAKAHIWA-HIWALAY ng pamilya, sa hirap man o ginhawa. Pangatlo: kung talagang inampon ni Ledesma si Poe mula kay Sayong, wala nang dahilan para kausapin pa ni Ms. Roces si Sayong nang umalis ito patungong Canada.

Pang-apat: Kung talagang si Sayong ang unang nagalaga kay Poe, bakit walang ulat na tinangka niya itong makuha muli kina Ms. Rcces at FPJ nang naninirahan na siya sa Canada? Kung nagawa nang manirahan ni Sayong sa Canada, ibig sabihin ay naging maayos na ang buhay niya at kaya na nyang mapalaki nang maayos si Poe. Tutal, pinakita niyang mahal na mahal niya si Poe sa ginawa niyang pakikipagusap kay Ms. Roces bago siya nagtungo sa Canada.

Panglima:  BAKIT HINDI MASABI ni Ms. Roces kay Poe hanggang ngayon kung sino ang tunay na mga magulang ng senadora? Kalokohang sabihin na walang anumang binanggit si Sayong sa kaniya tungkol kay Poe bago ito umalis. Si Poe mismo ang nagsabi sa isang balita sa interaksyon.com na nagkaiyakan pa ang dalawa nang magkausap.  

Basta-basta ba kayo magtitiwala sa isang kaduda-duda, mga kababayan? 30








1 comment:

  1. NASAAN ANG KATAPATAN NA SINASABI NI POE?DI PALANG NAGING PANGULO AT KONTI PALANG ANG KARANASAN KADUDADUDA NA

    ReplyDelete