Siguro
naman ay natatandaan pa nating lahat ang sinabing ito ni PNoy noong kumakampanya pa lamang siya sa
pagka-pangulo: KUNG WALANG CORRPT, WALANG MAHIRAP. Kung paniniwalaan ito,
DUMARAMI ANG CORRUPT sa gobyerno ni PNoy. Bakit?
Galing
ito sa isang istorya sa inquirer.net tungkol sa isang panayam kay Supreme Court
Chief Justice Ma. Lourdes
Sereno. Wala akong binagong kahit na ano dito:
Data
from the Philippine Statistics Authority (PSA)’s Annual Poverty Indicators
Survey (APIS) showed that poverty incidence among Filipino individuals rose by
1.2 percentage points to 25.8 percent in the first semester of 2014 from the
24.6 percent registered in the first half of 2013. Poverty incidence among
Filipino families also increased by 1.1 percentage points in the first half of
2014 to 19.9 percent from 18.8 percent in the same period in 2013.
Kung
talagang matuwid ang daan ng kaniyang gobyterno tulad ng madalas ipagyabang ni
PNoy, dapat ay kumonti ang mga mahihirap. Hindi lamang mga indibidwal na kababayan natin kundi mga pamilyang
Pilipino. Pero dahil sa dumami, at base na rin sa kaniyang argumento, bibig
sabihn lang ay DUMAMII ang mga CORRUPT sa kaniyang panunungkulan. At kung
idedepensa ng kaniyang mga panatiko, ang
puntong hindi maikakaila ay RESPONSIBILIDAD NG GOBYERNO ang MABAWASAN
ANG KAHIRAPAN at mga WALANGHIYA sa gobyerno, at hindi ng sambayanang Pilipino.
Kaya malaking KAULULAN kung taumbayan pa ang sisisihin niya. At punahin
ninyo, mga kababayan, ang detalyeng ito
ay galling sa isang AHENSIYA NG GOBYERNO at HIND SA MGA KRITIKO niya . kaya
hindi rin maaaring sabihing black propaganda o paninira lamang ito.
Daang
matuwid? Malagong ekonomiya? Pakituro nga kung nassan. 30
No comments:
Post a Comment