Thursday, June 11, 2015

MAY NAGAWA NA BA SI MAR ROXAS?

Nasa iba’t-ibang news sites ngayon, Hunyo12, sa Internet ang pahayag ni PNoy na kapag si DILG Sec. Mar Roxas ang inatasan niya, magagawa ang anumang proyekto o gawain na nias niya. Pero WALANG IBINIGAY na halimbawa KAHIT ISA si PNoy sa mga nagawa na kuno n Roxas. ANO na nga ba ang accomplishments ni Roxas, KUNG MAYROON MAN?

Halos limang buwan na ang nakakaraan nang maganap ang pag-massacre sa PNP-SAF 44 sa Mamasapano noong Enero 25. Bilang DILG secretary, nasasailalim ni Mar ang PNP. Kumbaga, siya ang BIG BOSS ng PNP. Pero itama ako ninuman kung mali ako, KAHIT MINSAN, WALANG NARINIG O NAKITANG AKSYON mula kay Mar para makamit na ng mga naulila ng SAF 44 ang katarungan. PIPI AT BINGI si Roxas pagdating sa SAF 44, kahit na tauhan niya ang mga ito.

Bago siya inilipat sa DILG, naging Department of Transportation and Communications (DOTC) secretary si Mar. Hawak niya noon ang MRT. Pero WALANG ANUMANG NABALITA na proyektong ginawa si Mar para  mapabuti ang serbisyo ng MRT hanggang sa alisin siya rioon. WALA ring nabalitang PINAIMBESTIGAHAN, SINUSPINDE o anumang aksyong ginawa si Mar sa LUMALALA  na palang kalagayan ng MRT.

Responsibilidad din ng DOTC ang trapiko. Pero kayo na ang magsabi, mga kababayan – GUMAAN BA ang trapiko sa ilalim ni Mar? Ang PN naman ang may responsibilidad sa hweteng, na HANGGANG NGAYON AY ILEGAL NGUNT PATULOY. May nabalitaan na ba kayo kahit minsa na nagutos si Mar na paghuhulihin ang mga jueteng lords at giyerahin ang jueteng? Ako, WALA.

Ilang linggo pa lamang amg maakaraan ay nabunyag sa media ang pagbili ng PNP ng mga bago ngunit ordinaryong sasakyan na kung saan umabot ng hanggang P1.8 milyon ang isa – MAS MAHAL pa sa luxury car na Fortuner.  Pero HANGGANG NGAYON, walang nababalitang agarean at malawakang imbestigasyton na iniutos si Mar. Itama ako ng kahit sino kung mali ako.

May iba pa akong mga puna ngunit uulitin ko na kang ang tanong Ano na nga ba ang nagawa ni Mar, kung mayrron man? Welcome sumagot ang mga sumusuporta sa kaniya, BASTA MAY DETALYE LANG at walang insultuhan para hindi ko idelete. At kung wala namang maipapakitang accomplishment ni Mar ang kahit na sino, IBOBOTGO BA NINYO SIYANG PRESIDENTE? 30



1 comment: