Thursday, June 4, 2015

GANITO KABULOK ANG HUSTISYA SA PNOY GOV'T!

Ganito KABULOK ang hustisya sa PNoy Government:

NAKABALIK na sa serbisyo si dating PNP Director-General Alan Purisima, nang WALANG ANUMANG KASO O REKLAMO NA  DAPAT PROBLEMAHIN dahil sa diumano’y pangangasiwa niya sa Mamasapano operation  ng PNP-Special Action Force (SAF) kahit na siya ay SUSPENDIDO nang isagawa iyon nooong Enero 25, kung saan 44 na SAF commandoes ang namatay.

NINAKWAN PA NG ARMAS at iba pang kagamitan ang SAF 44. Mahigit 20 sa mga ito, napatunayan sa medico-legal na sa ulo o mukha ang tama, NANG  MALAPITAN. Kumbaga, TINIYAK ng mga nakalaban nilang REBELdeng MILF at BIFF na mamamatay silang lahat. Parang sirang plaka ang Aquino Government na paulit-ulit na tniyak ang katarungan para sa mga naulila ng mga SAF cmmandoies. Pero hanggang ngayon, WALANG NABABALITA NA KAHIT ISA SA MGA SALARIN ay nakasuhan at pinaaresto na. Marami pa rin sa mga ninakaw na mga armas ng mga SAF commandoes ang HINDI PA SINOSOLI ng MILF at WALA ring nababalitang ginagawa ang gobyerno para maisakatuparan ito.  Sa halip, MINAMADALI pa ng gobyerno ang PAGPASA sa bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na GUSTO NG MILF.

Nang ihayag ni Justice Sec. Leila de Lima na hindi na MAISASAMPA ang pangatlong grupo ng mga kaso laban sa ilang kakampi ng PNoy government dahil sa pagkakasangkot nila sa ‘pork barrel’ scam, inulan siya ng batikos. Agad bumuwelta si De Lma at tiniyak na maiaahin ang  mga demanda sa loob ng ilang araw. Humigit-kumulang sa isang buwan iyon pero ang balita sa media ngayon, Hunyo 5, HINDI PA PINASASAMPA ni De Lima ang demanda dahil kailnagna pa kuno ng mga karadagang affidavit ng mga testigo.  Humigit-kumulang sa isang taon na  nakahanda ang pangatlong grupo ng kaso. Pero iyung mga nauna at kahalintulad na kaso laban sa mga miyembro ng Oposisyon, HINDI INABOT NG ISANG TAON AT NAI-FILE AGAD.

Mainit na isyu ngayon ang umano’y EXTORTION ng mga pinaka-mataas na opisyal ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) sa isang hinihinalang Chinese crime lord para diumano ay may MAISUHOL sa  ilang congressman  para matiyak ang pagpasa ng bersyon ng BBL na gusto na Malacanang. TUKOY ang mga isinasangkot na opisyal. Nagtuturu-turuan na nga. Pero inihayag ni De Lima, na siya ring may hawak ng BID, na hindi niya sususpendihin ang mga ito. Wala pa kunong sapat na ebidensiya, kahit na P440 MILYON ang halaga ng umano’y extortion.

Ilang beses nang inireklamo si Agriculture Sec. Proceso Alcala ng sari-saring anomalya tulad ng rice smuggling.  Pero KAHIT MINSAN hindi siya sinuspinde o pinaimbestigahan man lamang ni PNoy.

Hanggang ngayon, WALANG MAIIBIGAY NA DETALYADONG KUWENTA ang kahit na anong ahensiya ng gobyerno kung SAAN NAPUNTA O GINASTOS ang BILYUN-BILYONG DONASYON AT KARAGDAGANG PONDO para sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda.’ WALA ring pinagpapaliwanag o iniimbestigahan, KAHIT ISA.

Humigit-kumulang na sa 20 taon ang nakakaraan pero KAHIT ISA AY WALA PA RING NAPAPARUSAHAN sa pagkamatay ng mga nagpoprotestang magsasaka sa Mendiola at Hacienda Luisita massacre.

At sa kabila ng lahat ng ito, gusto pa rin ni PNoy na kandidato ng kanilyang Liberal Party ang pumalit sa kaniya sa 2016. Nasasa atin ang desisyon, mga kababayan. 30








No comments:

Post a Comment