Tulad ng dapat asahan, ikinaila nina
Immigration Commissioner Sigfried Mison at Deputy Commissioners Abdullah
Mangotara at Gilbert Repizo sa Kongreso ang panunuhol umano ni Wang Bo. Ngunit
pansinin ninyo, mga kababayan: HALOS ISANG LINGGO nang lumalabas araw-araw sa
pahayagang Manila Standard Today ang kontrobersiya at ang PAGTUTU-TURUAN nilang
tatlo. Pero kanina, BIGLANG BUMALIGTAD si Mison sa Kongreso, IKINAILA pa ni
Mison na siya ang nagsabi ng mga pahayag na ipinangalan sa kaniya sa mga
nalathala sa Manila Standard Today.
Kung talagang WALANG NANGYARI, dapat ay PUMALAG
NA AGAD SI MISON UNANG ARAW pa lamang na nagsimula ang kontrobersiya sa Manila
Standard Today. Dapat ay NAGLABAS siya agad ng opisyal na pagkakaila at
pinadalhan ang Standard. AGAD namang ilalathala ng Standard ang kaniyang
pahayag, sapagkat ganun ang patakaran sa media, ang ilabas ang LAHAT NG
PANIG. Alam ko dahil dati akong
miiyembro ng media. KALOKOHANG isipin na hindi ito alam ni Mison. Pero MALINAW
NA HINDI INIYA GINAWA.
Kaya isipin ninyo ito, mga kababayan: PINAKAMATAAS na opisyal na ng BID si Mison.
WALA nang ibang MAKAPAGUUTOS o makakapagpayo sa kaniya kung ano ang gagawin
kundi ang mga MAS MATAAS sa kaniya. Iyun ay ang mga NASA KATAAS-TAASAN ng
gobyerno. At ginawa lamang ni MIson ang pagkakaila nang ayaw nang tigilan ng
Standard ang Wang Bo controversy, at nang
magpahayag na ang liderato ng Kongreso na hindi nila masusunod ang deadline na
gusto ng Malacanang para ipasa ang BBL hanggang bukas, Hunyo 11.
HINDI DAPAT MAGING SAPAT ang salita lamang ni
Mison sa usapin gpangingikil kay Wang Bo. Mga kagalang-galang na congressman, paalala lamang po: LAHAT KAYO
PAGDUDUDAHAN ng taumbayan kapag hindi agad lalabas ang katotohanan sa usaping
ito. 30
No comments:
Post a Comment