Sunday, June 7, 2015

NASAAN ANG REPORMA NI PNOY?

Pilit na kinokondisyon ni PNoy, ng mga tagaoagsalita niya sa Malacanang at mga kakampi niya sa pulitika na ang dapat na susunod na pangulo ay iyong makapagpapatuloy ng kaniyang mga reporma. Kapag sinabing reporma, ito ay naganapo nagaganaop na at nagbunga o nagreresulta ng kagaangan sa mga problemang para dito. Hindi iyong sinabi lang sa press release na ganito o ganoon ang plano para sa isang problema ng bansa ay reporma na. Kaya kayo na, mga kababayan, lalo na ikaong mga pro-PNoy ang sumagot ng mga ito:

BUMABA NA BA ANG PRESYO ng pagkain at mga pangunahing bilihin ng malaki at tuluy-tuloy? Bumababa paminsan-minsan ang presyo ng kuryente at mga produktong petrolyo tulad ng gasoline pero tulad ng alam nating lahat, MAS MADALAS AT MAS MALAKI ANG PAGTAAS ng presyo kesa pagbaba.

LUMALAKI BA ang inyong suweldo o kinkita? Kumakasya ba ito sa taas ng haolaga ng mga bilihin at iba pang bayarin? Mas madali bang kumita o makahanap ng pagkakaitaan ngyon kumpara sa dati? Bumababa ba ang tuition sa eskwela? Mas marami ba ang bilang ng mga nakakapagaral ngayon? Dumami ba ang bilang ng mga classroom at school buildings?Ang kriminalidad, nababawasan ba? Kung kayo ang tatanungin, mas ligtas ba ngayong umuwi ng gabi na o madaling araw kahit na nagiisa lang kayo?

Madalas ipagmalaki ng gobyerno ni PNoy ang paglaban nila sa korapsyon. Ito naman ang sa  akin:  sa akin:  Marami nang tauhan at kilalang personal na kabarkda si PNoy na nasangkot o nakwestiyon sa mga anomalya  Nandiyan si dating DILG Undersecreary Rico Puno sa umano’y jueteng payola, si Agriculture Sec. Proceso Alcala sa umano’y rice smuggling at iba pang kwestyonableng transaksyon sa Department of Agriculture, si DSWD Sec. Dinky Soliman at ang HINDI DETALYADONG MAIPALIWANAG NA KUMPLETONG PINAGKAGASTUSAN ng bilyun-bilyong donasyon at kareagdagang pondo mula sa pamahalaan para sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda’  at si Transportation and Communications Sec. Jun Abaya at ang TULUY-TULOY NA PAGKABU8LOK ng serbisyo ng MRT sa kabila ng pagtaas ng pasahe nit ng halos 50 porsiyento.

Pero KAHIT ISA, WALANG NAKASUHAN O NASUSPIINDE O ISINAILALIM SA IMBESTIGASYON man lamang. May mga  sernador ngayong nakakulong dahil sa pagkakasangot umano sa anomalya sa ‘PDAF pero wala namang mapatunayan ng walang alinlangan hanggang ngayon laban sa kanila Hindi ko sinasabi,, at hindi ko sasabihin kahit kalian, na inosenta ang mga senador. Pero sa ayaw natin o gusto, HUSGADO LAMANG ang mayh kapangyarihang magsaib kung corrupt nga ang isang akusado. Hindi si PNoy.


Sa mga magkokomento, sigurihin lang na may detalye  ang sasabihin ninyo at hidi iyung iinsultuhin o aawayin lang ninyo ako, o kaya ay puro numero at press release lang ang babanggitin ninyo. WAL AAKONG IDEDELTE, PNGAKO. 30

No comments:

Post a Comment