Wednesday, June 10, 2015

BUTAS-BUTAS, MAYABANG NA SAGOT NI POE!

Binigyang-diin ni Sen. Grace Poe na 2010 pa niya isinuko ang pagiging US citizen at hindi noong 2012 lamang na inilahad ng isang ulat sa isang Internet site. Subalit BUTAS-BUTAS ANG SAGOT NG SENADORA.

Sinabi ni Poe na ibinasura niya ang pagiging US citizen sa harap ng isang notaryo publiko sa Pasig noong Oktubre 2010. Subalit HINDI NIYA PINAGALANAN ang notaryo. Hindi niya rin binanggit ang eksaktong lugar sa Pasig City, oras at ang mga hininging dokumento o requirements sa kaniya. Wala rin siyang piinangalanang testigo.

Makaraan iyon, sinabi ni Poe na nagtungo siya sa US Embassy noong Hulyo 2011 upang isuko muli ang kaniyang US citizenship. Pero WALA rin syang pinangalanang opisyal a opisina sa US Embassy na humawak ng kaniyang kaso. Natagalan daw ang embassy sa pagpayag sa gusto niya dahil maramI daw hinIngi sa kaniyang dokumento at mga requirements. Pero isang klaseng dokumento lang kaniyang inihalimbawa, ang kaniyang US tax records. NAGPA-MARTYR effect pa si Poe sa pagsasabing kahit na hindi na niya kinailangang pumunta sa US Embassy ayon sa batas pero ginawa niya pa rin bilang BONUS.sa sambayanan. Samantalang  COMMON SENSE na ang magsasabi na DAPAT LANG na magtungo siya sa US Embassy dahil ang pagiging American citizen ang gusto niayng bitiwan, at hindi ang pagiging Pilipino.

Kumbaga, FEELING SIKAT na pala itong si Poe sa simula’t sapul. Parang ang gusto pa ay PASALAMATAN pa siya ng Sambayanan. Samantalang OBLIGASYON niya bilang chairperson ng MTRCB na patunayan ng WALANG BAHID ALNLANGAN sa publiko na hindi na siiya American citizen noong tanggapin niya ang naturang posisyon.

At higit sa lahat, WALANG INILABAS na ebidensiya si Poe. Maglalabas lamang siya ng mga  papeles kapag aabot na sa husgadoi ang naturang isyu. Ibig sabihin, kung walang magkakaso, WALA RI SIYANG ILALABASna anumang pruweba na 2010 paniya binitiwan ang pagiging US citizen at hindi noong 2012 lamang. Kumbaga, WALA SIYANG PAKIALAM kung maniniwala tayo sa SALITA NIYA LAMANG O HINDI. At maghintay taoy kung KAILAN SIYA SUSUMPUNGING PATUNAYAN ANG KATOTOHANAN, kung gusto natin talagang malaman.

HUWAG NATING KALIMUTAN, mga kababayanb, NANGANGARAP itong babaeng ito na MAGING PRESIDENTE sa isang taon. 30

 




No comments:

Post a Comment