BABALE-WALAIN
ni PNoy ang Kongreso kung kinakailangan para matupad ang gusto niya sa
panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sa
isang ulat sa manilastandardtoday.com., inihayag mismo ni PNoy sa Iloilo City
kahapon, Hunyo 11, na magagawa pa rin niyang palakihin ang Bangsamoro entity na
magiging resulta ng BBL kahit na tanggalin ng Kongreso sa pinal na bersyon ng
naturang panukalang batas ang ‘opt-in’ clause. Ito ang probisyon na nagsasaad
na maaaring sumali sa Bangsamoro entity ang ibang lugar sa pamamagitan ng
plebisito kapag kahit 10 porsiyento lamang ng mga reesidente ay magpapayhayag
ng interes. Binigyang-diin ni PNoy na wala siyang dapat gawin kundi maglabas
lamang ng Executive Order kapalit ng ‘opt-in’ clause.
Tulad
ng alam nating lahat ang dalawang kapulungan lamang ng Kongreso, ang Senado ay
ang Kamara, ang MAY TANGING KARAPATAN NA MAGBUO AT MAGPASA ng anumang
panukalang batas. Walang ganitong karapatan ang Presidente. Maaaring
magpanukala ng mga pagbabago ang Presidente sa panukalang batas ngunit kung
walang babaguhin dito, DAPAT NA SUNDIN
niya ito ng BUONG-BUO. At hindi iyong gagawa siya ng paraan para MATUPAD PA RIN
ANG GUSTO NIYA na inalis na ng Kongreso. Kahit presidente siya, OBLIGADO pa rin
si PNoy na IGALANG ang anumang magiging pasoya ng Senado at Kamara sa anumang
panukalang batas. Dahil ayon MISMO SA KONSTITUSYON, MAGKAKAPANTAY na sangay ng
pamahlaan ang Ehekutibo na pinamumunian ni PNoy, ang Kongreso o Lehislatura
at ang Judiciary o Hudikatura.
Kapag
hindi mo iginalang ang pasiya ng kinauukulan sa anumang bagay, at gagawa ka pa
ng paraan para matupad ang gusto mo na inayawan na, walang ibang puwedeng
itawag doon kundi PAMBABALE-WALA. Sa katunayan, hindi lang pambabale-wala kundi
PANGIINSULTOI na rin dahil para mo na
ring sinabi sa kinauukulan na “Tatanggal-tanggal ka pa ng gusto ko eh kayang-kaya ko namanbg
gawan ng paraan.”
MENTALIDAD
na ito ng isang DIKTADOR. 30
No comments:
Post a Comment