Mga
pasahero sa MRT, INIINSULTO AT GINAGAGO na kayo ni deputy presidential
spokesperson Abigail Valte.
Sa
isang ulat sa tribune.net.ph. nagpaumanhin si Valte sa mga pasahero ng MRT
dahil sa limitadong bilang ng mga tren na tumatakbo sa kasalukuyan. Pero
binigyang katwiran pa rin ni Valte ang
naturamg pahirap – para na rin daw sa kaligtasan ng mga pasahero ang limitadong
bilang ng mga tren.
Kumbaga,
PASALAMAT pa rin dapat ang mga pasahero at kapakanan pa rin nila ang iniintindi
ng MRT -- kahit na MALA-IMPIYERNO na ang init sa loob ng mga bagon, PAKONTI NG PAKONTI ang bilang ng nga
tumatakbong tren, DUMADALAS na ang pagkakaroon ng SARI-SARING aberya at kung
anu-ano pa. Nag-sorry kunwari si Valte
sa kabaryong diinaranas ninyo, Pero kumbaga, pasalamat pa rin kayo sa paghihirap
ninyo dahil ligtas naman kayo, Kung hindi pa rin PANGGAGAGO AT PANGIINSULTO ang
tawag dito, buong puso kong aaminin na ewan ko na.
Hindi
bale sana kung
KAHIT ISA MAN LANG ay mayroon nang
NANAGOT O NAPARUSAHAN sa tuluy-tuloy na PAGKABULOK ng serbisyo at sistema ng
MRT. Itama ako ng kahit sino kung mali ako pero WALA. Nung itaas ang pasahe ng halos 50 porsiyento
humigit-kumulang tatlong buwan na ang nakararaan, ang pagpapabuti ng serbisyo
ang isang binigay na dahilan ng MRT management. Pero tuluy-tuloy ang pagbabayad
ng mas mataas na pamasahe , tuluy-tuloy dn ang PAGDURUSA ng mga pasahero sa
tuluy-tuloy na pagkabulok ng serbisyo.
Kaya’t
kung mayroon mang dapat ipaiwanag si Ms. Valte, yun ay walang ba kundi BAKIT
WALANG MAPANAGOT KAHIT ISA hanggang ngayon sa nangyayari sa MRT? May
KINAKATAKUTAN ba ang Malacanang sa mga opisyales o personalidad na responsable
sa maayos dapat na pagpapatakbo ng MRT? At SAAN NAPUPUNTA ANG KAR4GDAGANG PAMASAHE na
sinisingil hanggang ngayon?
SOBRA
na ang PANGAAGRABTADO AT PANGAABUSO sa mga pasahero ng MRT. 30
KUNG ANG PAKAY TALAGA NI PRESIDENTIAL PARROT ABIGAIL VALTE AY KALIGTASAN NG MGA PASAHERO, ABA EH... ISARADO NA LANG NILA ANG DILAPIDATED NA MRT/LRT
ReplyDelete