Ngayon
pa lamang ay OVERACTING na ang kampo ni presidential aspirant at Davao City
Mayor Rodrigo Duterte. Ayon kay dating North Cotabato Gov. at media man Emmanuel
PiƱol, may natanggap silang ulat na may nagsama-sama na raw na malalaking drug
lords mula sa Luzon,Visayas at Mindanao upang matiyak na hindi magiging
Pangulo si Duterte. Kabilang daw sa mga
plano ng mga drug lord ay ang pagpatay
kay Duterte, ang malawakag paninira sa pamamagitan ng black propaganda at ang
paglustay ng salapI sa eleksyon upang hindi ito manalo, Bakit
OVERACTING?
Una: HINDI PA NAGDEDEKLARA si Duterte na tatakbo siyang pangulo sa
halalan sa sang taon. Kaya’t WALANG MATINONG DAHILAN para pagplanuhan na siya
agad ng mga drug lord o ng sinuman. Pangalawa: HINDI PA NANGUNGUNA si Duterte
sa anumang survey ng mga maaaring
tumakbong Pangulo. . At walang anumang indikasyon na malalampasan na niya ang
mga nangunguna na sina Bise-Presidente Jejomar Binay at Sen.Grace Poe. Kaya’t
alam ng mga drug lord na SAYANG ANG ORAS AT PERA kung pagpaplanuhan na agad
nila si Duterte. Kung mayroon man silang poproblemahin at pagpaplanuhan ngayon
pa lamang, iyun ay sina Binay at Poe.
Pangatlo, BILYUN-BILYON ang kinikita ng bawat drug lord taon-taon.
Mga ahensya na ng pamahalaan mismo ang nagsasabi nito. Kaya’t hindi kailangang
pati mga drug lord sa Luzon at Visayas ay
makisama sa mga taga-Mindanao para lamang ipapatay o sirain ang reputasyon ng
isang kandidato lamang. Ayon sa ilang alagad ng batas na nakausap ko, kabilang
ang mga drug lord sa mga SAKSAKAN NG GULANG O KURIPOT pagdating sa pera. Kung
makakaiwas sila sa gastos, kahit maliit lamang, ay iiwasan nila.
Walang dudang sikat at may
mga tagahanga na s Duterte, hindi lang sa Davao City
kundi sa iba pang bahagi ng bansa. Subalit kung ngayon pa lamang ay ganito na
KABABAW ang pagiging GIMIKERO ng kaniyang kampo, MABABAWASAN, KUNDI MAN MAWAWALAN siya ng
kredibilidad sa nakararaming mga botante. 30
Shut the corrupt congress down. That is the only way to suppress the culture of corruption in this country. We need the benevolent iron hand and iron will of Duterte. He is the miracle we have all been waiting for. Duterte kami!
ReplyDeletesalamat sa comment, vincent.
Deletedapat lang naman na merong reaction ang mga pro duterte, bakit kamo? kasi naman, siya lang ang politikong deklaradong galit na galit sa ganyang gawain! aber meron ka bang alam na politiko na kasing vocal kay mayor? Wala.. dahil siya lang ang may bayag! Kung kaya natural lamang na merong magbabanta sa kanya! Meron ngang pagbabanta sa buhay ng papa sa roma, kay mayor pa kaya ang wala gayong buong mundo tinagurian siyang the punisher!? #IllogicalPaMore ^_^
ReplyDelete