Inilabas
na mismo ni Sen. Grace Poe ang kaniyang KAIPOKRITAHAN!
Sa
isang istorya sa tribune.net.ph. hinamon
ni Poe ang mga bumabatikos at kumukwestiyon sa kaniyang tunay na citizenship at
tagal ng paninirahan sa bansa na maghain na lamang ng kaso sa korte. Ibig
sabihin, HINDI NA SIYA MAGLALABAS NG EBIDENSIYA na nagsasabi siya ng tutoo at
sa husgado na lamang kung sakali. Kaht na halos HINDI NA SIYA TINITIGILAN ng
mga kritiko niya.
Ilang
araw pa llamang ang nakakaraan ay BINATIKOS ni Poe si Bise-Presidente Jejomar
Binay sa pagtanggi nitong humarap sa Senado at sagutin ang mga akusasyon ng
katiwalian laban sa kaniya. Nagpahayag na rin si Binay na sa korte na lamang
niya haharapin ang lahat. Kung ano ang ginamit niyang pang-atake kunwari,
GAGAWIN DIN PALA ni Poe sa kaniyang sarili. Kapag ibang tao ang gagawa, mali . Pero pag
siya ang gagawa, puwede. Hindi lamang basta kaipokritahan, GARAPALANG
KAIPOKRITAHAN na ito.
Kung
talagang wala siyang nagawang pagkakamali, WALANG MATINONG DAHILAN si Poe para hindi
ilabas agad ang anumang ebidensiya na maaaring tumapos agad sa kontrobersiya at
magpatahimik sa mga kritiko. Ang sinumang TUNAY NA INOSENTE AY HINDI PAPAYAG NA
MAGTAGAL ang anumang paninira laban sa kaniya. Kayo na ang humusga, mga
kababayan.
At
panghuli, tulad ng ilang beses ko ng sinabi, HINDI AKO EMPLEYADO ni
Bise-President Binay o ng sinuman sa pamilya
o mga taga-suporta niya. Maaari itong beripikahin ninuman, saanman at
kailanman.
Lalong
HINDI AKO NAGTATRABAHO sa sinumang nangangarap otatakbong presidente sa 2016 elections. WALA AKONG
KINIKITA kahit kanino. Nagsusulat ako
dahil ito ang propesyon ko. 30
No comments:
Post a Comment