MAS
MAGIGING MAKAPANGYARIHAN si dating PNP Director-General Alan Purisima sa
kaniyang pagbabalik sa serbisyo, kahit na wala siyang posisyon. Paano?
Taglay
na ni Purisima ang pinakamataas na ranggo sa PNP, four-star general. At dahil
sa aminado si PNoy na matagal na silang personal na magkaibigan ni Purisima,
tiyak na HINDI SIYA PAPAYAG na mainsulto
o mabastos ang kaniyang dating PNP chief
sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng puwestong mas mababa sa kaniyang
ranggo. At WALA nang mas mataas pa sa Kampo Krame, ang national headquarters ng
PNP, kundi ang MALACANANG. Kaya’t walang dapat gawin si PNoy kundi
italaga si Purisima bilang Presidential Adviser for Police Affairs o anumang
kahalintulad na puwesto. Asahan na nating professional courtesy ang ibibigay na
dahilan ni PNoy oras na gawin niya ito.
Presto.
Bilang adviser, si Purisima na ulit ang huling pakikinggan ni PNoy sa anumang
isyu tungkol sa PNP. MAAARI na niyang KONTRAHIN O HARANGIN O PAKIALAMAN sa
pamamagitan ng kaniyang ipapayo ang anumang
BALAK, OPERATION at anupamang gawain sa
PNP. At ang matindi, wala nang masasabi
ang kahit na sino kay Purisima dahil
kikilos siya sa isang OPISYAL na
kapasidad.
Nadala
na si PNoy sa galit ng taumbayan na inabot nila ni Purisima nang makialam umano
ang dating PNP chief sa Mamasapano operatio noong Enero 25 kahit na suspendido
ito noon. Tiyak na gagawin niyang opisyal ang anumang gagawin ni Purisima mula
ngayon.
Kaya’t
BALE-WALA ang pahayag ng liderato ng PNP
na WALANG PUWESTO si Purisima sa serbisyo. HINDI PAPAYAG si PNoy na pabalikin
si Purisima sa PNP nang HINDI NIYA ITO PAKIKINABANGAN. Huwag nating kailutan ito, mga kababayan.30
No comments:
Post a Comment