DESPERADONG PANANAKOT na lamang ang gi\nagawang
paulit-ulit na pagbabanta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), o ng PNoy
government, ng giyera sa Mindanao kapag hindi
ipinasa o binago ng malaki ng Senado at ng Kongreso ang bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic
Law (BBL)) na gusto nila. Desperadong pananakot na hindi dapat pansinin at
gawing basehan na L;ALONG DAPAT AYUSING MABUTI ang BBL, sapagkat PANSARILING
INTERES na ang nasa likod nito at hikndi ng higit na nakararaming kapatid
nating Muslim sa Mindanao .
Una: Ilang araw nang lumabas sa media ang
deklarasyon ng 85 MILF commanders, na may tinatayang pinagsama-samang 10,000
tauhan, na HINDI NILA SUSPORTAHAN ang BBL. Hanggang ngayon, HINDI ITO
MAPABULAANAN OI MABALE-WALA ng liderato ng MILF. Pangalawa: PUMALAG na rin ang
Moro National Liberation Front (MNLF) at ang Sultante of Sulu laban sa BBL.
Kapuwa ARMADO ang dalawang grupong ito and HINDI RIN mabale-wala ng MILF ang
kanilang isinapublikong pagtutol.
Pangatlo: Hindi rin MATALO O MAKONTROL ng MILF
hanggang ngayon ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Pangapat: Nagdeklara
na rin ng PAGAYAW sa BBL ang mga Tausog, ang 14 na angkan ng mga B’laan ng Maguindanao at South Cotabato, Zamboanga City ,
lalawigan ng Zamboanga del Norte at Koronadal City sa South
Cotabato . Panglima: WALANG MAIPAKITANG katibayan ang MILKF
hanggang ngayon na hawak nila ang mayorya o higit na nakararaming Muslim sa mga
sasakupin ng BBL .
Kaya’t estudyante man sa high school ay mabilis
na maiisip: WALANG MAIPAGYAYABANG NA KAKAYAHAN ang MILF na maghasik ng kaguluhan sa Mindanao kung sakaling hindi papasa o babaguhin ng
malaki ang BBL. Isang grupo pa nga lang, ang MILF, ay hindi na nila matalo,
PAANO sila mananalo sa lahat ng mga tumututol sa BBL kung pagtutulung-tulungan sila ng mga ito? SINO SA
AKALA NG MILF, at ng gobyerno ni PNoy, ang nasisindak nila ng mga banta ng
giyera kapang hindi lulusot o babaguhin ng husto ang BBL nila?
Ngayon, makikita natin kung SINO ANG TUNAY NA
MATAPANG AT MAKABAYAN sa mga congressman at senador natin. 30
No comments:
Post a Comment