Tila
NILULUTO na ang Wang Bo case, mga kababayan! At huwag na tayong magugulat
kung sa pagharap ni Wang sa Kongreso ay mabilis
pa sa kidlat na ikaila niya ang diumano’y P440 milyong ISINUHOL NIYA sa Bureau
of Immigration and Deportation (BID) kapait ng kaniyang kalayaan. Suhol na
ginamit diumano para matiyak ang pagpasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law
(BBL) sa Kongreso.
Ayon
sa isang balita sa manilastandardtoday.com, inihayag ng abugado ni Wang na si
Dennis Manalo na hindi na pinakakausap sa kanya ito mula pa noong simulang
imbestigahan sa Kongreso ang diumanong pamimigay doon ng snuhol niya kuno. HINDI
KO SINASABING INOSENTE SI WANG! Pero hindi magpapahayag ng ganito si Manalo
kung hindi ganito ang kaniyang nararanasan sa kinapipiitan ni Wang sa Camp Bagong
Diwa sa Tagig, dahil maaari siyang idemanda ng mga opisyales doon. At sa ilalim
ng ating batas, karapatan ni Wang na makausap ang kaniyang abugado.
Kung
sasabihin naman ng mga opisyales ng Camp Bagong Diwa na may sakit o may
nagawang kasalanan si Wang, mas lalo
nilang dapat ipakausap ito kay Manalo para magamot o maitama ang anumang naging
pagkakamali dahil abugado niya ito. Kaya’t
anuman ang dahilan at ayaw ipakausap si Wang kay Manalo ay HINDI TAMA. Kapag
gumawa ka ng hindi tama, ILEGAL O IMORAL ang motibo mo.
At
sa sitwasyon ni Wang, WALA NANG POSIBLENG maging motibo pa kundi ang
impluwensyahin o ikondisyon ang kaniyang utak para ang sasabihin nya pagharap
niya sa Kongreso bukas ay ayon lamang sa kagustuhan ng mga may hawak sa kaniya.
Dahil KADUDA-DUDANG kung kalian siya nakatakdang humarap sa imbestigasyon ng
Kongreso ay saka siya ayaw ipakausap bigla sa kaniyang abugado Kumontra na ang kokontra. 30