Wednesday, August 22, 2018

BAYAW NI LENI, ISINABIT SA DROGA!



ORTEGA 
Sa isang ulat sa https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/08/22/1844764/droga-talamak-sa-naga, inihayag ni dating Konsehal Luis Ortega ng Naga City na ang BAYAW  ni Leni Robredo na si Butch Robredo, kapatid ng yumao nitong asawa na si Jessie,  ang protektor sa pagpapakalat ng ilegal na droga doon kahit kasalukuyan itong nagtatago diumano sa Estados Unidos.

Namamayagpag rin o talamak ang illegal na droga sa 13 sa 27 barangay ng Naga City, ayon kay Ortega, at mayroon daw siyang ebidensiya..   

Welcome sumagot ang kahit na sino sa kampo ni Robredo.

Isipin lang ninyo ito, mga kababayan: HINDI PA NAGPAPAHAYAG si Robredo ng pagtakbo sa halalan sa susunod na taon. Kaya’t malayo na pulitika ang motibo ni Ortega.  Bilang dating konsehal ng Naga City, hindi kataka-taka na may masabi siya tungkol sa mga nangyayari sa naturang lungsod. Higit sa lahat, NAGBULGAR si Ortega nang LANTARAN, WALANG MASKRA.

Kung hindi kikilos si Leni, lalo pa KUNG HINDI NIYA PAPAIMBESTIGAHAN ang sinabi ni Ortega o hindi niya palalabasin ang bayaw niya, WALA nang dahilan para paniwalaan pa ang anumang sabihin niya. 30




1 comment:

  1. Matapang na paglalahad sa kanyang nalalaman ng dating konsehal na si Luis Ortega ang nagbunsod sa akin upang ayunan ang lahat na paratang na kanyang tinuran. Dapat lamang na pasubalian ni Vice Pres. Leni Robredo ang mga bintang na ito, upang malinis niya ang karangalan ng kanyang yumaong kabiyak

    ReplyDelete