Monday, August 27, 2018

LABAS ANG CAMSUR RESULTS, PARA MAGKAALAMAN NA!


Image result for images for leni robredo


Ilang kaibigan na ang nagbabala sa akin na PILIT NANG KINOKONDISYON ngayon ng kampo ni Leni Robredo ang isip ng publiko na talagang natalo sa kaniya si Bongbong Marcos sa pamamagitan ng pagulit-ulit ng linya nilang childish ito dahil ayaw tanggapin  ang panalo niya.

Puwes, para MAGKAALAMAN NA AGAD NG KATOTOHANAN at hindi na humaba pa ang daldal, ILABAS NA AGAD ng mga nangangasiwa ng recount ang RESULTA SA CAMARINES SUR. Pati na ang sa mga nabilang nang boto mula sa probinsiya ng Iloilo.

Higit sa lahat, ilabas na rin ang resulta ng mga imbestigasyon (KUNG MERON MANG ISINAGAWA)  sa mga pruweba at senyales ng DAYAAN na nabisto na sa mga balota at ballot box mula sa teritoryo ni Robredo na Camarines Sur

Para MAGKAKITAAN NA AGAD kung may basehan ang PAGYAYABANG na ito ng kampo ni Robredo o wala. Para magkaalaman na agad kung sino ang mandaraya o hindi.

Kung TALAGANG WALANG DAYAAN sa panalo ni Robredo, WALANG DAHILAN para tanggihan niya ang paglalabas ng resulta ng CamSur recount.  Mabilis na paraan ito para mapatunayan niya ang pinagpipilitan niyang malinis ang panalo niya, at ang konsiyensiya niya, at hindi niya niloloko ang sambayanan.

KUNG TALAGANG MALINIS ang konsiyensiya niya…30

3 comments:

  1. Siguro naman may resulta na ang revision ng CamSur. Ilabas na para matigil na pagdududa sa panalo ni ROBredo. If the PET continues to ignore people's sentiment, it only means she cheated and lost! And Caguioa is doing all possible means to to delay the recount further

    ReplyDelete
  2. Siguro naman may resulta na ang revision ng CamSur. Ilabas na para matigil na pagdududa sa panalo ni ROBredo. If the PET continues to ignore people's sentiment, it only means she cheated and lost! And Caguioa is doing all possible means to to delay the recount further

    ReplyDelete
  3. Yun na nga eh, matagal ng tapos ang camsur at iloilo na ang on recount pero yung result ng camsur ayaw pa ilabas. WTF?

    ReplyDelete