DELIKADO
tayo sa Comelec, mga kababayan! DELIKADONG-DELIKADO!
Hanggang
ngayon, WALA silang MASABI NA AKSIYON na ginawa o ginagawa na nila kaugnay ng
DAYAAN sa pamamagitan ng 2016 PRE-ELECTION vote counting machine (VCM( transmissions
na ibinulgar ni Glenn Chong sa Senado.
Kaya
LAHAT NG POSIBLENG ‘DISGRASYA’ o ‘MILAGRO’ ay maaaring mangyari sa anumang
hawak nilang ebidensiya na kayang patunayan ang
buong expose ni Glenn.
Hindi
ako computer o information technology expert pero mangangahas pa rin akong
sabihin na MALAYA pa rin ang sinuman sa Comelec na baguhin, sirain o pakialaman
sa anumang paraan ang anumang makinarya o dokumento. Para kahit ga-tuldok, may
maipakita silang DOUBT O ALINLANGAN sa mga ibinulgar ni Glenn.
Maaari
ring biglang ‘masunog’ o ‘manakaw’ ang mga posibleng ebidensiya ng Chong
expose. O kaya ay biglang ‘magresign, mag-AWOL o mag-retire’ ang sinumang
empleyado na may kinalaman sa VCM transmissions. At kung MAMALASIN ng husto,
baka ‘magkasakit o madisgrasya’t masaktan ng malubha o MAMATAY.
Huwag
kalimutan ninuman, mga BUWIS at BAYARIN natin sa gobyerno ang GINASTOS sa 2016
elections, at ang patuloy na NAGPAPASUWELDO sa mga taga-Comelec at nagbabayad
sa mga ginagastos na naturang ahensiya.
WALANG
KUKURAP, WALANG MAGPAPALOKO AT WALANG BIBITIW, mga kababayan. Tulad ng
kasabihan natin sa Tagalog, GINIGISA TAYO SA SARILI NATING MANTIKA. 30
The president should step up. But what is disappointing is that the curent comelec commisioner appointed by Duterte seems like a noynoy disciple.
ReplyDeletei agree 100 percent..tnx always, julian
Delete