UNTOUCHABLE ANG BAYAW ni Leni Robredo
na si Butch Robredo na harapang inakusahan kamakalawa ng isang dating konsehal
ng Naga City bilang protektor ng illegal na droga sa naturang lungsod.
Pinasadahan ko ang mga nangungunang news
websites bago ko sinulat ang blog na ito. WALANG FOLLOW-UP STORY KAHIT
ISA. May mga tao sa probinsiya ang mga
media companies na puwedeng pumunta sa
pamilya o nung Butch para kunin ang panig ng mga ito. O kaya ay magimbestiga sa
mismong mga taga-Naga City. Pero WALANG GUMAWA NG ISTORYA.
Dito sa Metro Manila, maaari ring patingnan
ang mga record sa PNP o iba pang ahensiya ng gobyerno kung may mga report na ba
tungkol kay Butch kaugnay ng illegal na droga bilang follow-up. WALA rin.
Sa Senado naman o House of Representatives,
WALA RIN NI ISA na nagtatawag ng AGARANG IMBESTIGASYON. Kahit na proteksiyon sa
isang
KADEMONYUHAN ang isyu. Pero kakulangan o shortage lamang ng bigas sa Zambaonga
o ang pagsadsad ng isang jet ng Xiamen Airlines sa NAIA runway kamakailan ay
naguunahan ang mga humihingi ng AGARANG IMBESTIGASYON. At LABAS AGAD sa media ang mga ito.
Mga pari at madre, na DAPAT ay mangungunang
kumontra sa lahat ng uri ng kasamaan, WALA rin ni isang salita para sa agad na
PAGSISIYASAT. Gayundin ang mga kontra-korapsiyon o katiwalian kuno. Lahat, mga
mas TAHIMIK PA SA SEMENTERYO.
Lahat, biglang naging bulag, pipi o bingi.
ANO MERON, mga sir/madam?30
No comments:
Post a Comment